Chapter 45

8K 151 9
                                    

Chapter 45 - Three weeks


Napabalikwas ulit ako ng bangon nang maramdaman kong bumaligtad na naman ang sikmura ko. Agad akong dumiretso sa banyo ng kwarto para dumuwal sa toilet bowl. I let everything out at pilit pa rin akong naduduwal kahit na wala na kong mailabas. Nasasaktan lang ang sikmura ko sa ginagawa ko.


"Freya?" Rinig kong tawag mula sa labas ng banyo.


"Nasa CR ako!" Pilit kong sabi.


Napahawak pa ko ulit sa toilet seat nang maramdaman kong masusuka na naman ako. I heard heavy footsteps in the room at halata kong nagmamadali ito. Hindi ko na nilingon kung sino ito. All I know is naiiyak na ko sa sobrang pagduduwal ko.


"Shit!" Mura ni Lawrence sa likod ko.


Umubo ako at napahikbi bago ko binitiwan ang toilet seat. Lawrence was quick enough to attend to me. Inabutan ako nito ng face towel na binasa niya sa sink. Tinulungan niya kong magpunas ng bibig saka niya ko tinulungang tumayo. He flushed the toilet for me habang itinatapat ako sa sink.


"Wash up para mahimasmasan ka." Utos nito.


I did as I was told gently. Naghilamos ako at nagmumog ng mouthwash saka ko pinunasan ang mukha ko gamit ang tuyong face towel. Nanatili sa likod ko si Lawrence na nakahalukipkip habang pinanonood ako. Kinailangan ko pang humawak sa sink dahil sa panghihina ko para lang lingunin ito.


"Ayos ka na?" Tanong nito.


I nodded softly at huminga ng malalim.


"Umamin ka nga." Sabi nito kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Are you sick? I mean, seriously sick?" Tanong nito.


Mabilis akong umiling. "Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Basta wala akong sakit." Sabi ko at pinunas muli sa mukha ko ang face towel. "Huli akong nagkaganito nung pinagbubuntis ko si---"


Agad kong pinutol ang sinasabi ko at kunot-noong tinignan si Lawrence. He raised a brow nang hindi ko na ito ituloy pero ilang saglit lang ay nangunot na rin ang noo nito.


"So you think---"


"Hindi!" Putol ko sa sasabihin nito. "Hindi yan ang iniisip ko." Mariing sabi ko.


Lawrence sarcastically smirked at me. "Damn! Theon is such a shooter!" Bulgar na sabi nito.


"Hindi nga sabi yan totoo!" Inis na sagot ko.


"Wala pa kong sinasabi! Don't be too defensive, Freya." Pang-asar pa nito.


Umirap ako at dahan-dahang umalis ng banyo para bumalik sana sa kama. Halos sa pader lang ako nakakapit at kung pwede lang gapangin ko ang distansya namin ng kama ay ginawa ko na. I really feel so weak!


Laurine was heavily sleeping on the bed. Katabi ko ito sa pagtulog at kung hindi lang bumaligtad ang sikmura ko kanina ay baka natutulog pa rin ako ngayon sa tabi ni Laurine. I admit, I still feel a little sleepy pero ang sakit na ng tiyan ko dahil wala itong laman.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now