Chapter 16

8.8K 168 2
                                    

Chapter 16  - Daddy


"Tawagan mo ko tungkol sa maid Freya, ha? Kung sakali mang may problema ka." bilin ni Camilla sakin.


"We'll be fine, Cami." sagot ko pero tinaasan niya ko ng kilay. I rolled my eyes at her saka ko siya sinagot ulit. "Alright fine! I'll still call. 'Wag mo na kami alalahanin ni Laurine. Am I right, Laurine?" tanong ko sa anak ko.


Laurine nodded saka niya tinaas ang mga kamay niya para magpa-karga kay Cami. Camilla obliged at kinuha sa bisig ko si Laurine saka kami sabay na pumunta sa kinatatayuan ng mag-ama niya. Hawak ni Eric si Elliot sa kamay habang katabi nila ang mga maleta nila.


Ngayon na kasi ang alis nila Cami for New York. Isang linggo na ang lumipas simula nang sabihin sakin ni Cami ang tungkol dito. Right after we bond, sumama pa muna ako sa bahay nila para ayusin ang mga gamit ni Laurine. I saw how Laurine looked very happy nang sabihin ko sa kanya na kukunin ko na siya. Isang linggo na rin nakatira si Laurine sakin. 


Yesterday, Cami brought the maid she was talking about na tutulong sakin sa bahay. She's Cami's maid noon at kilala ko siya. She's very kind at alam kong inalagaan niya rin si Laurine noon. She'll help me with Laurine at sa bahay. Siya magbabantay kay Laurine habang nagtatrabaho ako.


"Take care, Freya." bungad ni Eric sakin nang makalapit kami.


"We will. Ingat rin kayo doon." sagot ko kay Eric saka ko binaling ang tingin kay Camilla. "You should call me, too."


"Oo naman!" sagot ni Cami.


Tinanguan ko siya and she hugged me and Laurine one last time. Hinalikan pa niya sa pisngi si Laurine at ganun rin si Eric. Binaba ko muna si Laurine bago ko yakapin ulit si Cami at Eric. I also kissed Elliot's cheek. Hinawakan ko pa ang mukha nito bago ko siya kinausap.


"Be a good boy, Elliot. Okay?" ani ko na tinanguan nung bata.


Maya-maya ay tinawag na ang flight nila Camilla. We kissed each other's cheeks saka sila umalis kasama ang mga bagahe nila. 


"Uwi na tayo, nak?" tanong ko kay Laurine.


"Yes, mommy." sabi niya habang natango pa.


Tumawa ako bago ko hinalikan ang pisngi ni Laurine. Lumabas na kami ng airport at dumiretso sa kotse ko. Binuksan ko ang pinto ng backseat para i-upo si Laurine doon.


I was busy buckling Laurine up in her seat nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Hininto ko muna ang ginagawa ko at dinukot sa bulsa ang cellphone para tignan kung sino ang tumatawag. It's our maid.


"Hello, Jodie?" bungad ko sa katulong.


"Hi ate! May pumunta po kasi dito sa bahay, hinahanap ka po." sabi niya.


Kinabahan ako. Please, sana hindi si Theon. "Sino raw?" I asked.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now