Chapter 40

8.7K 138 17
                                    

Chapter 40 - The catch


I am carefully putting on the earrings Theon had for me. Drop and dangling ito na may Swarovski crystals. It matches my black dress very well. Illusion na halter ito at long back. Hapit rin ito sa baywang ko. 


Pinaresan ko rin ito ng itim na ankle strap stilettos para mabuo ang suot ko. Ngayon ay damang-dama ko na kung anong pakiramdam maging sila Janelle pero ayoko pa rin ng ganitong tayo. I want my life simple.


The life where I stick to my slacks and jeans. Yung hindi ako makakakuha ng atensyon ng ibang tao. Mas gusto ko nang ganung buhay kaysa sa ganitong nabubulabog at hinuhusgahan.


Biglang may kumatok sa kwarto namin ni Theon. Bumukas rin naman agad ito saka pumasok si Theon wearing his black three-piece suit to match mine. Mukhang malinis, mabango at pormal na pormal si Theon. Kaya siguro halos tingalain siya ng mga tao. Hindi kasi maipagkakaila na mayaman talaga ito.


"Freya, are you ready to go?" Tanong niya nang makalapit siya sa akin.


Nag-retouch pa ko sandali bago sinuklay ang buhok kong mahaba gamit ang mga daliri ko. I looked up at Theon and gave him a sweet smile. Hindi naman ngumiti ito pabalik sakin and instead, he offered me his hand. I gladly took it saka niya ko itinayo.


Hindi na ko nagulat nang ipulupot niya sa baywang ko ang mga kamay niya para yakapin ako. I gently hugged him back at napapikit pa ko dahil sa init na hatid ng katawan ni Theon. I'll never get tired of this. I will always want this and I'll always want him.


"May problema ba?" Tanong ko rito.


Umiling lang ito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.


"I really wish we could bring Laurine with us." Aniya at lumayo sa akin. "Pero hindi pa pwede dahil hindi pa maayos ang lahat."


I gently touched his cheek para haplusin ito. "We'll make everything right, Theon. I'll be with you every step of the way." 


Tumango si Theon and planted a soft kiss on my lips. Iba pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing lumalapit sa labi ko ang mga labi ni Theon. Hindi pa rin ako sanay kahit na may nangyari ulit sa aming dalawa. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka magbunga ulit ito. Talagang hindi ako tinantanan ni Theon nung araw na iyon and who knows what might happen, right?


It's not that ayaw kong sundan si Laurine. As much as possible I want to avoid it lalo na't hindi pa naman pumapayag ang pamilya ni Theon sa aming dalawa. Maaaring dumating ang araw na hindi rin nila matatanggap ang anak namin ni Theon.


We decided to leave nang matapos naming puntahan si Laurine. Pinatulog ko muna ito para hindi sumpungin dahil hindi namin siya maisasama sa lakad namin ni Theon.


One of his bodyguards opened the car door for me and Theon. Ang Civic ang gamit namin at may isang sasakyan pang nakahanda sa likod namin. Kailangan kasi namin isama ang mga bodyguards dahil hindi pa rin nahahanap ang umambush kay tito Edward.

An Honest MistakeWhere stories live. Discover now