Prologue

12.5K 265 2
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang labanan sa pagitan ng mga Titans at Monsters with fifty head and hundred of hands laban sa mga Elder Gods na kinabibilangan nina Zeus, Poseidon, Ares, Dionysus , Apollo, Athena, Artemis, Hera, Hephaestus , Demeter, Hermes at Aphrodite .

Dahil di hamak naman na mas malakas at makapangyarihan ang mga elder gods ay natalo nila ang mga ito. Pero hindi pa rin sila sumuko sa ambisyong mapabagsak ang mga Elder Gods kaya naman isang labanan na naman ang sumiklab sa pagitan nila.

Hangad lamang ng mga Titan ay wasakin ang Mt. Olympus at patayin ang mga elder gods kahit na napakaimposibleng mangyari ang gusto nila.


Isang balita na lamang ang gumulantang sa lahat nang malamang ilan sa mga elder gods ay nasawi at namatay. Hindi matanggap ni Zeus ang nangyaring ito at tila ba isa lang masamang paniginip ang lahat na pwede lang niyang igising pero hindi... Ang nangyari ay hindi katanggap-tanggap at nagkaroon ng malaking epekto sa lahat ng kanyang lahi at nasasakupan. Lubos itong ikinabahala ng halos lahat na demigod at pati na rin ng ibang mga Gods and Goddesses na nangangalat sa iba't-ibang dako ng daigdig.

Nawalan na siya ng lakas ng loob dahil sa nangyari. At hindi niya na alam kung paano maibalik sa ayos ang mundo na kanyang ginagalawan. Wala ng Pag-asa... Pero nagbago ang kanyang pananaw nang makita niya sa kanyang panaginip ang prophecy ni Apollo tungkol sa anak ng kanyang kapatid na si Hades. Alam niyang hindi ito katanggap tanggap dahil anak siya ng God of the Underworld, pero ito lang ang makakatulong sa kanya. Sa kabila ng kanyang kapighatian at pagluluksa ay muling nabuhayan ng loob kahit na hindi naging maganda ang ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Hades.


Sa kabilang dako, Ang asawa ni Hades na si Persephone na anak ni Demeter ay kasalukuyang nagli-labor na at walang kaalam alam sa nangyari. Tinulungan siya ng ibang alagad ni Hades sa underworld na mga Furies at matagumpay naman niyang isinilang ang sanggol, subalit dito na rin pala nagtatapos ang yugto ng kanyang buhay na hindi man lang nasilayan kung ano ang kasarian ng kanyang anak...kung kanino kamukha at you know mga bagay na posibleng makuha niya sa mga magulang niya.


Ang bata ay lumaki at tulad ng mga Elder Gods, hindi siya inaruga kundi pinabayaan lang sa sariling cradle (unlike sa mga mortal or demigod) .


Ayon sa propesiya ni Apollo, ang batang ito ay inatasang gawin ang isang misyon. Misyon na kailan man ay hindi pa ginawa ng mga Elder Gods.

Ayon din sa propesiya ni Apollo,

Ang batang ito ay

papangalanang....

Crixpien.

*********

@JadzelScarlet

Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon