CHAPTER THIRTEEN

3.8K 102 0
                                    

*****

"Akala ko di na kita makikita. "

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad.

"Saan ka ba nanggaling? "tanong niya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad

"Naririnig mo ba ako? Hoy! " tiningnan ko siya ng masama.

"Oo rinig kita. " sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Eh bakit kasi hindi ka nagsasalita? "

"Mmm. Pagod lang ako."

"Pagod? San mo napulot yung pagod na yun? "tiningnan ko siya ng masama.

"Sabi ko nga umuwi na tayo kasi pagod ka na. Kung saan saan ka kasi pumupunta, hindi mo man lang ako—-AAHH! " sinapak ko siya.

"Yan ba ang pagod? Nananapak pa? "

Pumunta na kami sa apartment at pagdating ko may pagkain na sa mesa.

"Anong nakain mo? " tanong ko

"W-wala. Baka kasi layasan mo na naman ako eh. Kaya... Kumain na lang tayo. " naupo naman siya at ganun din ako.

"Mmm. San ka ba talaga nanggaling? " tanong ulit niya habang kumakain

"Sa library. "

"Talaga? "hindi niya makapaniwalang tanong "Anong ginawa mo dun? " uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.

"As usual, nagbasa. Alangan namang kumain?" nasamid naman siya sa sagot ko at tumingin sa akin.

"Pwede namang mamasyal lang di ba? " sumubo ulit siya "Mmm. Mukha namang may natutunan ka sa pagbabasa mo at umi-English ka na. " uminom siya ng tubig "Hulaan ko binasa mo. "

"Ano? "

"Dictionary. "

"Ang galing mo naman. " napangiti naman siya "Hindi mo nahulaan. Better luck next time, Ross. " tumingin siya sa akin.

"Lagi mo na lang ako inaasar. "

Katahimikan.

"Mm. Mukhang nakilala ko na si Luige. " tumingin siya sa akin na parang interesadong interesado sa ipapaalam ko.

"Kailan? P-paano? "

"Kanina. At malakas pala siya. " inubos ko na yung natitira kong pagkain at uminom ng tubig

"Malakas? Naglaban kayo? "hinampas niya yung mesa at muntik na akong mabilaukan sa gulat. Napatingin ako sa kanya at ngayon ko lang nakita ang seryoso niyang mukha


"Ross. Kumalma ka nga. " kumbinsi ko "Mukhang may dapat din akong malaman sayo. " Kumalma naman yung itsura niya at tumingin sa akin.

"Gaano ba katindi ang galit niyo sa mga Olympian? " uminom siya ng tubig saka niligpit yung pinagkainan namin saka dinala sa lababo

"Di ba nasabi ko na sa'yo yun before? " sagot niya habang nagsisimula ng maghugas. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.

"Oo nga. Pero bakit hindi mo ako nun kinalaban? " pagtatanong ko habang pinapanuod ang ginagawa niya "Dahil ba sa babae ako? "

"Hindi. "

"Eh ano? "

"Dahil wala kang kinalaman sa nangyari. "tumingin siya sa akin "Gusto ko mang saktan ka nun pero naisip kong wala kang kaalam alam sa mga nangyari sa amin. " nagpatuloy ulit siya sa paghuhugas "Hindi tama na sayo ako gumanti dahil sa mga ginawa nila. "

"Ganun mo ako kabilis na natanggap? "

"Mali ba yung ginawa ko? " isinalansan na niya yung mga pinggan at kutsara pati na rin baso sa lalagyan

"Si Luige... Kita ko na hanggang ngayon matindi pa rin ang galit niya sa mga Olympian... Lalo na kay Hades. " naglakad ako papunta sa sala at naupo sa couch na nandun. Sumunod din naman siya sa akin sa sala at naupo sa inupuan niya nung tinakasan ko siya.

"Sobra ka ba niyang nasaktan? "

"Gusto niya nga akong patayin eh. " napatingin siya sa akin.

"Sa tingin mo papayag akong mapatay niya? Syempre—"

"Teka nga... " napatingin ako sa kanya na may tinitingnan sa akin "Hubarin mo nga ang jacket mo. "

"Hah? Ba—"

"Basta hubarin mo. " naging seryoso yung mukha niya. Tumayo siya saka lumapit sa akin at pumunta sa likod ko. Hinubad ko naman yung jacket ko.


"May mga pasa ka sa likod. " nagtaka naman ako sa sinabi niya. Pano niya nalamang may pasa ako eh may damit pa naman akong suot. "Malakas ang pagkakabagsak mo sa matigas na bagay. " naramdaman ko ang paglapat ng mga palad niya sa likod ko.


"Teka—"


"Nga pala. Hindi mo pa alam ang kaya kong gawin. " yung masakit kong likod kanina ay parang nawawala ang sakit ngayon. Bumalik na siya sa kinauupuan niya at sinuot ko ulit yung jacket ko.

"I can easily remove those pain you feel physically, mentally and emotionally. " napatingin ako sa kanya "And even wounds. " napayuko siya "But... Once I removed it from someone it will transmit to mine. "


"Pwede ko bang makita? "nag-aalangan kong tanong. Tumingin siya sa akin at itinaas ang shirt niyang suot saka tumalikod. Napatakip na lang ako ng bibig ng makita ko yung mga pasa niya sa likod.

"Pero... Bakit kailangan mong gawin yun kung sayo lumilipat? "inayos niya yung damit niya at humarap siya sa akin.

"Ginusto ko 'to. And besides, ginagawa ko lang 'to kapag alam kong hindi niya na kaya ang sakit. " ngumiti siya ng konti.

"Pero kaya ko naman—"

"Don't lie to me. " napayuko ako "Don't worry. 3 minutes lang tumatagal yung pain at bumabalik na ulit ako sa normal. "

"Good to know. "tumingin ako sa kanya "Ginawa mo din ba yun sa kamay ko dati? Isa pa, paano mo nalaman na may pasa ako? "

"Mm. Hindi, totoong gamot ang inapply ko dun. Ahh. Yun ba? Kusang nagfofocus ang mata ko sa part na may damage ng isang tao. Kahit na nakatago ito. " tumango na lang ako "Back to Luige, ipinakita niya sayo ang kapangyarihan niya? " pagbabago niya ng topic.

"Oo. At ang hirap lang kapag naging parang hangin siya. "

"Hindi rin naman siya makakahawak sayo kapag ganun yung nangyari. "

"Pero nakakapaglabas siya ng di makitang pwersa na gawa sa hangin. Yun ang dahilan kaya ako ilang beses na tumalsik. " huminga ako ng malalim "Bigla siyang nawala nung magpakilala akong anak ni Hades. " 

"Ikwento mo nga sa akin kung ano ba talagang nangyari sa inyo ng mga Olympians, para wala ng bago kapag may narinig pa ako sa mula sa ibang demigod. "

"Oh sige. Pero... Bukas na lang. " humikab siya saka humiga "Inaantok na ako eh. Matulog ka na sa kwarto. "

"Tsk. Ano ba yan. " napakamot ako sa batok.


"Sige na, di ba sabi mo pagod ka na? Pahinga ka na at baka sunod mapulot mo naman yung salitang 'antok' ."

"Tumulog ka na nga! " tumayo na lang ako at dumiretso sa kwarto.

"Good night! " at yun narinig ko na yung paghilik niya.

Ako naman, mukhang nakakaramdam na ng antok. Napahikab na din kasi ako eh. Mukhang bukas ko pa malalaman yung nangyari sa pagitan mga Olympian at Demigods.

*****

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now