CHAPTER FIFTEEN

3.7K 89 0
                                    

Matapos niya akong gamutin, nilinis niya yung mga basag na bubog sa sahig. Ako naman nakatingin lang sa ginagawa niyang pagpulot sa mga bubog gamit ang dalawang daliri.

"Bakit hindi ka gumamit ng walis? "

"Wala akong makita eh. "

"Psh. Tulungan na nga kita. " tumayo ako at tumingin siya sa akin.

"Dyan ka lang. Ako nang maglilinis nito. " sabay balik ng atensyon niya sa pagpulot ng mga bubog.

"Matatapos ka nga diyan. "

---

Nakasilip ako sa bintana at natatanaw ko ang mga naglalakihang mga building. Maganda din pala dito sa mundo.

"Labas tayo? " lumapit siya sa akin.

"San naman tayo pupunta? " tanong ko habang nakatanaw pa rin sa malayo.

"Somewhere. Let's go. " tinungo niya ang pinto saka binuksan at tumingin sa akin. Lumakad na rin ako at sinundan ko siya sa labas.

Binuksan niya yung pinto ng kotse at pumasok ako. Umikot siya sa kabila at pumasok na rin.

"So, kailan mo pa nakuha yung kotse mo? " inistart na niya yung engine at dahan-dahang pinaandar.

"Well, dinala ito ni Paul dito. " tumingin ako sa kanya.

"Pano niya nadala? " inilipat ko ang tingin ko sa bintana "I mean... Pano niya nalamang sayo 'to? "


"Tinawagan ko siya at sinabi na naiwan ko ito sa di ko alam na lugar. Then yun pinahanap niya sa mga tao niya. At nung makita, sinabi ko yung address ko ngayon kaya dinala nila dito. "

"Eh di ba sabi mo naubusan ng fuel? Pano nadala dito? "

"Nagpabili na din ako. Para madrive niya paparito. At para magamit ko din. " tumango na lang ako

"Gaano na ba kayo katagal magkakilala nung Paul? " baling ko sa kanya.

"Mm. Almost two and a half year."

"Pano kayo nagkakilala? "napatingin naman siya sa akin.

"Mukhang interesado ka sa kanya ah? " tiningnan ko siya ng masama at umiwas siya ng tingin.

"Phew. Ako? Interesado? Para nagtatanong lang naman ako ah. "

Itinigil niya yung kotse sa tabi at tumingin siya sa bintana na katabi ko.

"Look. " sabay turo niya dun sa tinitingnan niya kaya tumingin ako "Ang ganda di ba? Yan ang gusto kong dagat dito sa mundo. Nakalimutan ko nga lang yung pangalan. Tsk. "

Siguro maganda rin ang pangalan ng dagat na'to. Para ngang ayoko ng alisin ang mga mata ko sa ganda ng view. Kulay green ang kulay nung part ng dagat na malayo at blue naman yung malapit. White ang kulay ng buhangin at may pailan ilang mga malalaking bato sa tabi.

Maraming tao ang naliligo at may kung anong sinasakyan ang ilan at sumasabay sa taas ng alon.

"Mas maganda pa ang dagat na yan nung nabubuhay pa si Poseidon. Mas malinis at walang ibinibigay na alalahanin sa mga tao. Ni minsan hindi pa nagkatsunami at tidal wave noon at kahit paglaki ng alon ay hindi mo makikita. "

Napansin kong mas lumalaki pa yung alon na humahampas sa mga bato. At nagiging maingay na yung dagat. May ilan rin na umaahon na sa tubig at nag-aalisan.

Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon