CHAPTER THIRTY SEVEN

2.3K 73 0
                                    

Inalis ko na yung necklace ko at nastretch at lumaki na naglalabas pa rin ng black smoke at sa pinakang dulo ay may sharp edge na parang ganun sa arrow.

Sinugod ko yung many-headed lizard that is dragon-like. Pero bago ko pa siya atakihin ay narinig ko ang pagsigaw ni Chiron.


"That's HYDRA! " tumingin siya sa akin. "Don't you dare cut her fvcking head, or else two more heads would grow in its place. " tumango na lang ako at ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban dun sa Golden lion with impenetrable fur and deadly sharp claws. Gusto ko pa naman sanang putulan siya ng ulo pero ganun pala ang mangyayari... Tsk.

Nawiweirduhan talaga ako sa mga creatures na ito. Yung iba ko namang nakikita ay mga 10 feet ang taas na four-legged at mabalahibo yung balat nilang kulay orange na abot hanggang chin nila yung dalawang front teeth at mapupula ang mga mata.


Sinugod ako nung hydra na sinabi ni Chiron at bago niya pa ako sakmalin ay inihagis ko yung dulo ng chadar ko kung nasaan yung sharp edge sa likod niya at bumaon naman ito. Mabilis siyang umikot pabalik sa pinanggalingan niya at nagulagod ako sa lakas niya kaya naman hinawakan kong mabuti si chadar. Nang maramdaman kong umangat na yung katawan ko sa lupa at para na akong lumilipad dahil sa patuloy pa rin na pagtakbo nitong Hydra na ito ay sinikap kong maglanding sa likod niya, at nagawa ko naman pero muntikan na akong malaglag.


Nakahawak pa rin akong mabuti sa chadar ko na nakatusok pa rin yung dulo sa likod niya. Pano ko siya mapapatay eh hindi ko naman pwedeng bunutin yung chadar ko sa kanya? Ngayon, Paano na?


Naalala ko bigla yung dagger na ibinigay sa akin ni Throy kanina, at naisip kong mukhang ito ang sagot sa alalahanin ko.


Kinuha ko ito sa loob ng jacket ko at agad na inalis sa sheathe.


"WHOA. " dumapa ako ng may sangang muntik ng sumabit sa ulo ko. Saan ba kasi ang punta ng butiking mukhang dragon na 'to? Hindi ba siya napapagod tumakbo?


"GOOD BYE, HYDRA. " hindi ako sure kung narinig niya ako pero tumigil siya sa pagtakbo at umikot yung ulo niya papunta sa akin. Bago pa siya magbuga ng apoy sa akin kung meron man ay ibinaon ko na yung dagger sa likod niya at sumigaw siya.


"Sweet, isn't it? " sinigawan niya ako at mukhang boses ng dragon yung narinig ko sa kanya.


Binunot ko yung dagger at bumitin ako kay chadar saka inikutan yung katawan nitong si Hydra na umaatungal pa rin at pilit akong makita sa katawan niya. Ibinaon ko yung dagger sa dibdib niya at dito na ako humawak at bumitin, kaya nahila siya pababa sa katawan ni Hydra at nakita ko ang lamang loob niya.


"OWW! " bumagsak ako sa lupa pero pinilit ko pa ring mabilis na tumayo kahit na pakiramdam ko'y nadurog yung buto ko sa binti sa taas ng binagsak ko.


Hinigit ko si chadar at kinuha yung dagger na puno ng green blood sa lupa, at nakita ako ni Hydra na umuusok yung mga ilong at bumilog yung mga mata.


Grabe, hindi pa siya patay? Ngayon, Kailangan ko munang tumakbo dahil mukhang galit na galit na siya at nag-uusok ang ilong.


Nagbuga siya ng apoy at buti na lang nakatakbo ako agad, ayokong mabarbeque ng Hydra na 'to. Nagbuga ulit siya ng apoy at dumapa ako saka nagpagilong-gilong sa lupa, habang siya'y galit na galit sa akin dahil sa paglaslas ko ng dibdib niya na hanggang ngayon ay kumakalat pa rin sa lupa yung green niyang dugo.


Napansin ko naman na maraming mga puno dito kaya ibinato ko yung dulo ni chadar sa isang mataas na sanga at bumitin ako saka nagswing at lumanding ako sa ulo niya kaya agad kong ibinaon dito yung dagger para hindi ako malaglag. Lalo siyang umatungal at nagbuga ng apoy habang nagpapaikot ikot. Binunot ko yung dagger kaya napadulas ako sa noo niya na nakikita ko na yung malaki at mabilog niyang mata. Sinaksak ko ng dagger yung magkabila niyang mata at muntikan na akong mabarbeque sa pagbuga niya ng apoy ng madulas ako sa ilong niya.


Crixpien And The Last OlympianDonde viven las historias. Descúbrelo ahora