CHAPTER TWENTY FIVE

2.6K 89 1
                                    

"Aahh! " napatigil yung dalawang lalaki sa pagbugbog kina Ross nang marinig nilang sumigaw yung leader nila kaya tumingin sila sa direksyon ko.


"Joe!? " sigaw nila dun sa leader nila na nakahandusay na sa lupa.


So, Joe pala ang name niya. Parang part lang ng face ah 'Jaw'.


"You monster, what did you do to him?!" gusto kong tumawa sa mga pangit nilang pagmumukha na hindi lang gulat ang makikita kundi magkahalong takot at galit pa pero pinigil ko na lang.

"I ended his boastfulness. " nagevil smile ako sa kanila. "Then, you two...will be the next. " kumaripas naman sila ng takbo at pinigil kong matawa dahil ang epic lang at sabay pa silang nadapa sa gitna ng kalsada at nagulungan ng truck.

Ohh. So, di ko na problema yung pagkamatay nila.


"Oh God! " sigaw nung driver ng truck pagbaba at nagulat nang makita niya yung dalawang lalaki na nakapailalim sa dalawang malaking gulong ng sasakyan niya. "Shit! Shit! " napahawak siya sa ulo at nagpaikot ikot na parang mababaliw dahil sa nangyari.


Hindi ko na lang siya pinansin at nilapitan ko sina Ross na hindi na makatayo ng ayos dahil sa nangyari sa kanila.

***

"Aaww! " sigaw ni Ross habang ginagamot ni Victoria yung gilid ng labi niya. Si Freyr naman ay nakaupo lang at tinitiis yung napala niyang sakit sa katawan matapos gamutin ni Victoria kanina.

Hindi ko naman sila matulungan dahil wala naman akong alam sa panggagamot.

"Sorry, kasalanan ko kung bakit nangyari sa inyo yan. " kasalanan ko naman kasi kung bakit nangyari sa kanila yan. Kung hindi ko ba naman ipinakita yung galit ko kanina eh di sana hindi sila lumabas. Tss!


"Don't be sorry. Iniligtas mo pa nga kami. " sabi ni Freyr.

"I'm the one who need to say sorry. Sorry about---"

"Forget it. " putol ko sa pagsasalita ni Ross.


"Ginamit mo ang kapangyarihan mo dun kay Joe?" tanong ni Freyr at tumingin sa akin si Victoria at Ross. I just nodded.


"Delikado yung ginawa mo. " sabi ni Victoria.


"Nagawa ko na din yun before, kaya okay lang. Isa pa wala namang nakakita. " sagot ko habang inaayos ang pagkakasuot ng gloves ko. "Kesa naman brutal ang pagpatay ko sa kanya, pinadali ko na lang. "


"Hah? Pinaghahampas mo pa nga siya sa legs niya bago ginamitan ng kapangyarihan... Yun ba ang hindi brutal? " napangiti ako nang saglit sa sinabi ni Freyr at napansin kong ikinagulat nilang tatlo yung ngiti ko. Bakit ba?! Ngumiti lang naman ako ah?! Anong masama dun?!

"What? " tiningnan ko sila at inalis nila ang tingin sa akin.


"Ang cool ng power mo. " pag-iiba ni Freyr.


"Not just cool. Really cool. " dagdag ni Ross.


"Sipsip. " bulong ni Freyr.


"What did you say!?" tumingin siya kay Freyr ng masama. Umalis naman sa tabi niya si Victoria at lumipat sa tabi ko.

"I said nothing. "

"Liar! " sinunggaban niya si Freyr dun sa inuupuan nitong single couch at natumba ito kasama sila.


Napahawak ako sa sintido ko dahil nakikita ko na naman ang dalawang kumag na nag-aaway na parang bata.


"Get off, damn you! " sigaw ni Freyr habang kinukuyog ni Ross.

"Lumalabas ang pagiging childish nila. " bulong ni Victoria at nag-agree ako.


"Babasagin ko yang salamin mo sa mata mo!" sigaw ni Ross.

"Do it if you can! " sigaw ni Freyr.

"Titigil ba kayo o patatahimikin ko na kayo? " napatigil sila at tumingin sa akin na ngayon ay nasa harap nila.

"Damn you, Freyr !" pabulong na sabi ni Ross at tiningnan naman siya ng masama ni Freyr.


"I think kailangan ko na kayong patahimikin. " hinawakan ko yung gloves ko at nang makita nilang hawak ko yun ay napatayo agad sila at itinayo rin yung couch at inayos.


"Sabi ko nga tutulog na ako. " sabi ni Ross at nahiga sa favorite niyang couch. "Ito kasing si Dilim eh ayaw agad matulog. " tinuro niya pa si Freyr.


"Sige Ross, daldal pa. " tiningnan ko siya.

"Good night!" tumagilid na siya at narinig na namin ang paghilik niya.

"Good night. " sabi din ni Freyr na inilatag sa sahig yung kumot na kinuha ko kanina sa kwarto at yung unan saka nahiga.


Magkatabi naman kami ni Victoria sa kama at solo namin ang buong kwarto.

"Victoria, gusto ko sanang itanong kung bakit magkaiba ang eye color mo. " sabi ko habang nakatalikod sa kanya sa pagkakahiga.


"Ah... My blue eye, represents the past... While the yellow is future. "

"Okay..."


"And I hate it. "


"Bakit naman? "


"Kahit na ayaw kong makita ang past at future nakikita ko pa rin. " bakas sa boses niya ang lungkot. "Forget it, anyway."


Katahimikan.


Ano bang oras na at hindi pa rin ako inaantok? Nakapikit nga ako pero gising na gising naman ang isip ko at tumatakbo pa kung saan-saan. Sa oras tuloy na ito naiisip ko si Bella. Naiimagine ko tuloy kung gaano kahirap ang kalagayan niya. Once na madamage daw ang nature, ikamamatay niya yun. Tsk. Haay bakit ko na yun iniisip?!


Apat na kami ngayon. Four is better than three. Kahit may dalawang kumag akong kasama na madalas magtalo na parang mga bata, okay lang at nandito si Victoria na magiging karamay ko sa pagsakit ng ulo. Yeah. yeah.

Mukhang si Ross lang ang medyo mukhang tao sa amin, dahil ako hindi ko naman pwedeng hubarin yung gloves ko, si Freyr hindi pwedeng alisin yung eyeglass niya, ito namang si Victoria kabilanan ang mata. Hindi siya dapat makita ng mga tao dahil paniguradong kukuyugin siya.


****

Crixpien And The Last OlympianOnde histórias criam vida. Descubra agora