CHAPTER THIRTY TWO

2.5K 70 0
                                    

May narinig akong mga footsteps kaya napamulat agad ako at tiningnan ko sina Bella na mahimbing na natutulog. Palapit ng palapit 'yong mga footsteps na naririnig ko kaya agad akong bumangon.


"R-rolly?"nakita ko siya sa labas ng kwarto at pagkakita niya sa akin ay tumalikod siya para bumalik sa baba. "Anong ginagawa mo dito? Di ba sa baba ang kwarto niyo? "



"Mm. May narinig akong ingay dito sa taas kaya... " napansin niyang tinitingnan ko siya. "You know...chini-check ko lang. " 



"Bumaba ka na. " tumingin siya sa akin saka tahimik na bumaba.



Ingay? Wala naman akong narinig na ingay dito except sa footsteps niya.



Bumaba ako at naupo sa couch na nakaharap sa hagdan pataas. Akala ko makakapag-isa ako, pero hindi pala. 



"It's just 2 o'clock in the morning. Ang aga mo naman ata. " bungad ni Throy mula sa kusina at inayos yung relo sa wrist niya.



Itatanong ko sana kung napansin niya si Rolly na umakyat sa taas pero hindi niya nga pala kasama sila sa kwarto. Dun kasi siya sa isang kwarto mag-isa at... Never mind.





"Hindi ako dinadalaw ng antok eh. " tiningnan ko siya. "Ikaw? Kanina ka pa ba gising? " umiling siya.




"Mga 3 minutes ago. Hindi kasi ako mapalagay eh. " naupo siya sa couch na katabi ko at naupo habang nakapatong ang dalawang paa sa center table. "Iniisip ko 'yong sinabi ni Victoria. " napatingin ulit ako sa kanya at sumandal siya sa couch saka pumikit. Hindi naman siguro siya tutulog noh?



"About sa betrayal... Ano naman ang motibo niya para gawin 'yon? " tanong niya habang nakapikit at nagcross arm siya.



"Still trying to think about it. " I exhaled. "May nakilala ka bang iba pang mga demigod dito?" tumango siya.





"Oo. Si Trevor, son of Zeus. " napatingin ako sa kanya at nakapikit pa rin siya. "Nakilala ko siya last summer and naging magkaklase sa isang Academy. "



"Nag-aaral ka? "


"Of course. And feeling excited for my upcoming graduation day. "


"Wait. Ilang taon ka na ba? " mumulat siya.


"Turning eighteen next month. "


Oh really? A teenager demigod? 


"Ikaw? I guess... About sixteen or seventeen? "tumingin siya sa akin .



"Seventeen. Hindi 'yon mahalaga pero... "


"Olympian ka nga pala. Kahit na nasa hundred years old na kayo, kaya niyo pa ring magmukhang teenager or kahit ilang taon ang gusto niyong naisin. " umiling ako.


"That's true, but I'm not Olympian . " napatingin siya sa akin at parang hindi makapaniwala sa sagot. "My father is not an Olympian, and my mother too. " umayos siya ng upo at nakatingin pa rin sa akin.

"Kung ganun..."


"I'm the only daughter of Hades, The God of the dead. And... my mother, Persephone is a minor god. " nagcross arm ako. "That's why I am not an Olympian. They both live in the Underworld. Ganun din ako. " tiningnan ko siya at ewan ko ba kung naintindihan niya 'yong sagot ko dahil nakakunot ang noo niya.


"Anong kailangan mo sa amin? " naging seryoso ang boses niya. Well, seryoso naman siya palagi pero iba 'yong ngayon.


Mission ko ang hanapin sila at kapag nakumpleto na sila, dadalhin ko daw sila sa isang lugar na...hindi ko pa alam kung saan dahil sasabihin daw 'yon sa akin pagkompleto na sila.




Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon