CHAPTER THIRTY THREE

2.3K 75 2
                                    


"Si Iapetus. Kung Titan siya bakit hindi siya malaki? Bakit... Mukha lang siyang mortal? " tanong ni Throy.


Nandito kami sa sala kasama si Victoria at Bella. Yung iba ay nandoon sa kwarto na parang practice center ng mga banda at pinagdidiskitahan na naman yung mga gamit doon.


"Hindi kaya ginagamit lang niya ang katawan ng mortal? " opinyon ni Bella.

"Posible. " sagot ko at tumango sila.

Hindi ko pa nakakausap si Bella dahil palagi silang magkasama ni Victoria. Madalas rin na umiiwas siya ng tingin sa akin simula nung gabing marinig kong nag-uusap sila.

"Hindi kaya may binabalak silang gawing masama? " tanong ni Victoria.


"Tulad ng ano? Pamunuan ang mundo? " tanong ni Throy .

"Matagal nang gustong mamuno ng mga Titan sa mundo. Pero hindi 'yon hinayaang mangyari ng mga Olympian. " sagot ni Victoria.

"Kung pamunuan ang mundo ang gustong mangyari ni Iapetus. Kailangan natin siyang pigilan. " sabi ko. "Hindi pwedeng mamuno ang Titan sa mundo. "

"Tama ka. Magiging magulo ang mundo 'pag nangyari 'yon. " pagsasalita ni Throy. "Victoria, patay na ba talaga ang mga Olympian? " baling niya kay Victoria.


"Hindi naman talaga sila namatay. They're just resting in Elysium, and after a hundred years...after na makarecover sila... Babalik na sila sa Mt. Olympus. "


Hindi ako makapaniwala, ibig sabihin hindi talaga sila namatay? Pero ang Elysium ay lugar na pinupuntahan ng mga namatay na at after 3 days ay maaari silang magreincarnate.

"Ang Mt Olympus. Hindi 'yon pwedeng masira. " pagpapatuloy niya.

"Bakit? "tanong naming tatlo.

"Mt Olympus is connected to all gods and half-bloods. Once na masira ito, all of us...will die . "


"Pero... Walang nakatira ngayon sa Olympus di ba? " tanong ni Throy.

"May isang naiwan. " napatingin kami sa kanya. "Pero hindi ko masabi kung sino. Hindi ko siya makita. "

"Hindi niya kakayanin kapag may sumugod na mga Titan. " sabi ko.


"Exactly. But most of the Titans are still ashes. Hundred years pa ang hihintayin nila bago bumalik sa dati nilang anyo. "


"Good for us. " sabi ni Bella na bumuntong hininga pa.


"Pero may natirang isa. " sabi ni Throy.

Tama siya. Kung may isa mang natirang Olympian, meron din sa Titan. They're even.


BOOM!


Nagkatinginan kaming lahat ng biglang may sumabog sa labas. Mukhang malayo naman 'yon pero malakas. At nagtakbuhan pababa yung mga nasa taas.

"Ano 'yon? " tanungan nila.


Lumabas kami at nakita namin na may isang building ang nasusunog at wasak yung part sa taas hanggang sa kalahati nito. Parang hinampas ng umaapoy na wrecking ball yung building dahil may pacurve. Marami na ring nagtakbuhang mga tao palabas ng building at marami ng dumating na mga pulis at bumbero.

"Anong klaseng bomba ang ibinato diyan? " tanong ni Ross habang nakatingin sa building.


"Mukhang hindi bomba ang ginamit diyan. " napatingin ako kay Throy na seryosong nakatingin sa building. "Dapat sana sumabog lang yan."


Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now