CHAPTER THIRTY EIGHT

2.5K 75 1
                                    

Kalahating araw lang kaming nagsanay at pagkatapos noon ay pinagpahinga na kami ni Chiron dahil baka bigla na naman kaming masurprise ni Iapetus, mahirap na. Habang busy ang lahat sa pag-aayos ng mga weapon ay pinatawag ni Chiron ang mga Satyr ( if you don't know Satyr. From the waist up, just like any human. Waist-down, they're a goats hindquarters.) para maging handa sa susunod na gagawing hakbang ni Iapetus. Bumalik din naman agad ang mga Satyr sa strawberry fields dito sa loob ng camp dahil doon sila nalalagi.


"Guys..."

Nilingon namin ni Chiron si Victoria na mukhang ang layo ng tinakbo at namumutla.


"Victoria, okay ka lang ba? " tanong ni Chiron.


"...May bisita tayo. " nagkatinginan kami ni Chiron.


"Nasa labas siya ng entrance at binabantayan siya ni Agrus."


Si Agrus nga pala ang security guard ng camp half-blood. Marami siyang mata mula ulo hanggang paa, hindi rin daw siya nagsasalita dahil pati sa dila ay may mga mata siya.



"Chiron! Kailangan mong makita 'to. " tawag ni Leroy.


"Crixtin, ikaw muna ang pumunta sa entrance at humarap sa bwisita natin. " tinapik niya ako sa right shoulder at tumalikod na.


"Throy! Samahan mo siya. " tawag niya kay Throy at tumango lang ito saka lumapit sa akin.

"Victoria, hindi ka ba sasama? "tanong ko at umiling siya.


"Hindi ako ininform ni Chiron. " hinawakan niya ako sa balikat. "Sige na, puntahan niyo na yun. " tumango ako at lumakad na kami ni Throy papunta sa entrance.


Tahimik lang kaming lumabas ng entrance at naupo kami sa isang table doon kung saan naghihintay yung bwisita. Nakatuxedo siya at nakasuot ng hat, kaya mukha siyang magician... Wait. Familiar ang bwisit na 'to.



"Rolly? "



Iniangat niya ang ulo niya at naggrin sa akin. Napatayo ako dahil sa inis at gusto ko na siyang dumugin pero pinigilan ako ni Throy.


"Mukhang may ipapaalam siya. Maupo ka muna. " bulong ni Throy at naupo na lang ako at nagpipigil sa bwisit na pagmumukha nitong demigod na anak ng Titan na si Cronus.


"So, dito na pala kayo nakatira?"


Hinampas ko yung kamay ko sa lamesa."Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin. " tiningnan niya ako ng nakakaloko at feeling ko'y tumataas ang blood pressure ko. "Bakit mo kinidnap si Bella? "


"Ohh. It's just part of my game, child of Hades. " pinagdikit niya yung palad niya. "Bella, is your half sister, right? She have to play a perfect role for our perfect game. "

"HOW DARE YOU. 'Wag mo siyang gagalawin kung hindi..."


"You're going to kill me? " ngumiti siya ng nakakaloko. "How terrible. " he said with sarcastic voice.


"Ano bang pinunta mo dito? " tanong ni Throy at bumaling sa kanya si Rolly.


"Well... Gusto ko lang malaman kung buhay pa kayo, idiots." naramdaman ko ang pagpipigil ni Throy sa sarili. "Kung ako sa inyo... Susuko na lang ako. Mas malakas ang Titan compare sa inyong mga half-blood lalo na...sa'yo." baling niya sa akin at tiningnan ko siya ng masama.


Underestimating me, huh?


"SURRENDER? We're not coward, you jerk. "


He grinned at me."Then... Hindi ko na kasalanan kung mamatay kayo. Binabalaan ko na kayo, mas malakas ang Titan..."


Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon