CHAPTER TWELVE

3.8K 108 2
                                    

Nacu-curious talaga ako sa kung ano ang meron dun sa mga numbers na yun. Kung message man yun bakit kailangan pang isulat gamit ang mga numbers? Hindi kaya secret yun kaya number ang inilagay?

'Death Games '

Libro kaya yun? Hmm. Bakit pinapahanap yun?

Tumayo ako hinanap sa mga bookshelves yung Death games. Libro nga kaya yun? Napatigil bigla ako. Sandamakmak ang libro na nandito, tapos isang libro na di ko pa alam kung ano itsura nun ang hahanapin ko? Shocks! Nahihibang na ako. Bakit ba ako naging interesado doon?

Kinuha ko yung libro na hawak ko kanina at hinanap kung saan ko yun nakuha at ibinalik ng ayos. Ang ganda ng pagkakasalansan ng mga libro, malaki sa malaki at maliit sa maliit. Paalis na din sana ako ng mapansin ko na parang may librong naligaw sa kabilang bookshelf. Lahat ng librong nakaayos doon ay malalaki pero yun lang ang naiiba. Maliit na libro lang siya pero makapal. Basta na lang siguro yun inilagay nung gumamit.

Kinuha ko yung libro saka dinala dun sa mga kaparehas niya ng size at paglagay ko bigla na lang may nalaglag na papel mula dito. Pinulot ko naman yun at binuksan.

It's been a long time when you became a disappointment, Dirty Tongue. I still hates you a lot. But you know I still can't blame you for who you are and what you've done. Forget it all. I want you to find this annoying Kazam. And bring him to me. I want him alive. Do your work and I'll give you what you want.

Dirty tongue? Pangalan ba yun? Sino naman yung Kazam at pinapahanap siya? At bakit naman walang nakasulat sa ibaba kung kanino galing yung sulat?

Bago pa man may makakita sa akin ay agad ko ng tinupi ulit yung papel saka inipit dun sa libro na pinaglaglagan nito. Nakita ko yung cover ng libro at title. 'Death Games '. Agad ko namang isinalansan ng ayos yung libro saka umalis.


Nasalubong ko yung Minerva at magbabalik na ata ng libro. Hindi niya ata ako napansin dahil dire-diresto sa bookshelves.

Siya kaya yun? Siya kaya yung Dirty Tongue? Pero impossible Minerva ang pangalan niya.

Bumalik naman ako at nagpunta sa ibang bookshelves para kunwari ay maghahanap ng book. May kinuha naman akong isa at di ko alam kung ano dahil basta ko na lang kinuha at naupo dun sa pwesto ko kanina.

Nakayuko ako sa libro na hawak ko at kunwari'y nagbabasa pero nakatingin ako sa kanya na nagbabalik ng libro. Bigla siyang lumingon sa akin at bigla namang lumipat yung mata ko sa libro na hawak ko at dun ko. History pala ng Gods and goddesses ang libro na 'to. Napatingin naman ulit kay Minerva at nakatingin siya sa akin. Medyo matalim yung tingin niya sa akin kaya umiwas ako at itinuon ang atensyon ko sa pagbabasa.

Nabasa ko ang mga pangalan ng mga Gods and Goddesses na kinabibilangan nina Zeus, Poseidon, Apollo, Hades,Ares,Hera, Hestia, Hermes, Aphrodite, Athena, Demeter, Artemis. Sinundan ito ng iba pang mga pangalan ng iba pang mga Gods.  Nabanggit din dito ang pagiging masama ni Hades sa mundo at ang pagiging malayo ng loob sa kanya ng iba pang mga Gods and Goddesses. Kung tutuusin masama lang naman si Hades eh, pero hindi siya kasing bayolente ni Ares.

Naagaw ng pansin ko ang pangalan na Medusa. Kasama din siya sa mga pangalan ng Gods? Sa pagkakaalam ko hindi naman siya god or demigod, dahil tanging dugo lamang ni Uranus na pumatak sa lupa ang naging dahilan para magkaroon siya ng buhay.


She was developed by the blood of Uranus. Some of Uranus blood fell to earth and turned into Giant and Erinyes or Furies. These terrible creatures had live snakes for hair, and they chase wrong-doers about until they were punished. Siya ay malupit rin at mapaghiganti. Tuso siya at hindi madaling sumuko sa bagay na ginagawa niya. Mahirap siyang makisama at wala sa isip niya ang salitang konsiyensiya. Ayaw niya na pinapakialaman siya sa mga ginagawa niya at ito ang dahilan kung bakit galit siya sa lahat ng nasa paligid niya. Kapangyarihan niya rin ang pakikipagugnayan sa lahat ng uri ng ahas, huwag na huwag titingin sa mata niya dahil kapag natitigan ka nito ay magiging bato ka. Nagkaroon siya ng anak sa isang tao at...

Napatigil ako sa pagbabasa ng makita kong nasa harap ko na si Minerva. Ni hindi ko man lang narinig yung hakbang niya. Nakatingin lang siya sa akin at blangko ang mukha. Problema ng taong 'to at tinitingnan ako?


"Oh. Nakita mo na ba hinahanap mo? " gumalaw yung kilay niya sa tanong ko.

"How did you know? "nanliit yung mata niya.

"Eh di ba naghahanap ka kanina sa libro na hawak mo? "

"Ah. Oo. " bigla siyang umupo

"San mo nakita? "

"Sa ibang books. "

"Mmm. "tumango na lang ako

"Bakit hindi ka pa umuuwi? " nanliit ang mga mata niyang tanong.

"Wala. Ayokong umuwi eh. " napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa mesa "Napano ang kamay mo? "tanong ko dahil may napansin akong peklat na halos tatlong daliri niya ang meron pati na rin ang ibang parte sa likod ng palad niya. Tinabunan niya ito ng kabila niyang kamay.

"Aah. W-wala. Na—"tiningnan ko siya sa mata at ganun din siya sa akin. Ewan ko ba at parang may weird feeling akong nararamdaman sa kanya.

Nawala ang atensyon ko sa kanya ng malaglag yung libro na binabasa ko kanina kaya pinulot ko ito. Ipinatong ko yung libro sa mesa at nagulat na lang ako nang pagtingin ko wala na siya. Tiningnan ko ang paligid pero wala ng tao. San napunta yun? Bago ko pulutin yung libro nakita ko pa siyang nakaupo sa harap ko at nakatingin sa akin.

Napagalaw yung kilay ko ng makita ko yung libro na hawak ko. Swear! History ng Gods and Goddesses yung binabasa ko kanina pero anong libro itong hawak ko ngayon? Tumingin ulit ako sa ilalim ng mesa pero wala namang libro. Saan nanggaling ang libro na ito? At saan din napunta yung hawak kong libro kanina?


Napahawak ako sa ulo ko. Ano ba ang dapat kong isipin sa nangyari? Bakit nawala ng ganoon kabilis si Minerva? Haisst. Tumayo ako at ibinalik yung libro sa bookshelves. Pinuntahan ko yung libro na Death games ang title at binuklat ko kung nandun pa yung papel na nakasingit pero wala na.

Psss! Si Minerva nga. Paano niya nalaman na nandito ito? Paano niya nakita ito ng ganoon kabilis? Paano siya nakatayo agad kanina at nakaalis ng ganun kabilis? Paano nalaglag yung libro na binabasa ko kung nasa pagitan yun ng kamay ko kanina? Paano—? Hayy. Bwisit! Mababaliw ako dahil sa babaeng yun!

Ibinalik ko na ulit yung Death Games saka umalis ng library bago pa ako mabaliw sa dami ng tanong.

That Minerva. Ginulo niya ang isip ko. Sana tama ang naiisip ko tungkol sa kanya.


*****

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now