CHAPTER EIGHT

4.8K 146 3
                                    

Nang marinig ko ang yabag ng mga paa niya, sinipa ko yung pusa papunta sa ilalim ng higaan.

"Heto na ang gloves mo." iniabot niya sa akin yon at kinuha ko naman agad. Pagkasuot ko nito, patuloy pa rin akong nagtataka at nagiisip kung bakit hindi siya namatay.

"By the way I'm Ross. Ikaw?"

"Crixpien."

"Okay." napansin ko na parang bigla siyang may inaamoy "Naamoy mo ba yung naaamoy ko?" tanong niya.

Naku lagot! Yung pusa!

"Hah? Wala naman ah."

Tumingin siya bigla sa akin.

"Ms. may gusto sana akong itanong sayo."

"Ano yun?"

"Sa labas tayo." lumabas siya at sumunod naman ako. Garden pala ang labas ng clinic niya.

"May gusto sana akong malaman about that." tinuro niya yung suot kong gloves.

"Tungkol sa gloves ko?" pag-uulit ko.

"May nahawakan kang bagay na nagbabaga nung time na makita kita di ba? " napahawak siya sa chin niya "Ang ipinagtataka ko lang... Bakit hindi nasunog o nabutas ng kahit konti yang gloves mo? Pero yung kamay mo nagred at nalapnos?" dagdag niya.

Oo nga. Pano nangyari yun? Napaisip rin ako.


"Hindi yan pangkaraniwang gloves hindi ba?" tumingin siya sa akin pero umiwas ako at hindi agad nakasagot. Paano kung malaman niyang hindi ako tao??

"Alam mo ba yung Porlyusica?" bigla niyang tanong.

Porlyusica? Porlyusica... Porlyusica...

Ah!Yun yung lugar sa kanluran na sabi ni tanda ay doon daw niya pinagawa yung gloves ko. Pero bakit niya alam yon?

"Hah?"

"Alam kong alam mo ang tungkol don."

"Bakit ba interesado ka?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin saka hinawi ang buhok ko sa kaliwang mukha. "May marka ka sa ibaba ng tenga na crescent moon at three stars." sabi niya na nakatingin sa marka ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" inalis ko ang kamay niya.

Ipinakita naman niya yung marka sa kanang tenga niya. Crescent moon lang ito at walang bituin tulad ng sa akin. Ang mga Olympian lang ang may marka na crescent moon with three stars at ito'y matatagpuan sa kaliwang bahagi ng ear. Ang mga Demigod naman sa kanan at crescent moon lang.

Tumingin siya sa akin.

"Isa ka bang Olympian?" tanong niya na parang gulat. Tumalikod siya sa akin at nagpalakad lakad. "P-pero matagal ng patay ang mga Olympian. At tanging ako at ang iba pang mga Demigod nabubuhay sa mundo." tumingin siya sa akin "Paano ka nabuhay?"

"Nung time na namatay sila, isisilang pa lang ako... Sa Underworld."

"Anak ka ni Hades at Persephone? Masama ito."

"Anong masama?"kunot noo kong tanong.

"Si Hades, ang yong ama ay isang masama at mapanghimagsik sa mga Olympian. Nagdudulot siya ng kamatayan sa mga tao."

Napailing ako.

"Alam ko yun. Pero hindi ako naparito para ipagpatuloy ang ginawa niya sa mundong ito. Naparito ako para sa isang misyon."

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now