CHAPTER FORTY ONE

2.2K 77 2
                                    

"Nagretreat na ang ilang mga cabin. " sabi ni Chiron kaya napatingin ako sa kanya.


"You're kidding me. "


"Nasa camp na sila at siguradong pasugod na doon yung mga kalaban nila. " inasinta niya yung mga demigod na kanyang nakikita. "I'm kidding, we're going to lose. "


"Hayss. " napailing na lang ako.


"Devon! " sigaw niya at nilingon naman siya nito. "Pumunta kayo sa camp! Kailangan nila kayo dun! "


Kita naman sa mukha ni Devon ang pagkairita kay Chiron pero tinawag niya ang mga cabin mates niya at nagsi-alisan. Fourteen na lang sina Throy at ang mga centaur naman ay nasa twenty na lang dahil mukhang naiwan yung iba sa camp.


"IAPETUS. " narinig kong sabi ni Lexus at pagkatingin namin sa mga naglalabanan ay nakita ko namin si Iapetus.


Iba ang anyo niya ngayon kumpara nung unang beses na nakita namin siya ni Throy. Nasa anyong mortal siya noon pero ngayon ay mukhang ito ang tunay niyang anyo. Nasa twelve feet ang taas niya na nakasuot ng helmet at armor dress.


"Hindi naman siguro siya takot mamatay. " sabi ko.


Lahat ng nadadaanan niyang mga zombie ay niyayapakan niya at sinisipa. Nasa magkabila naman niyang tabi ay mga demigod na chill lang ang dating at nang tingnan ko sila isa-isa ay may ilang nakilala ko.


"Rolly. " nakita niya ako at itinaas pa niya yung tatlong daliri niya na nakalagay sa sintido sabay ngiti ng nakakaloko.


Ikinagulat ko nang makita ko si Minerva na nakatingin sa amin, katabi naman nito ay yung babaeng blond ang buhok at yellow ang mga mata tulad ni Luige. Nakarobe siya ng peach at may hawak siyang bow habang ang quiver nito ay nasa likod niya nakasabit.


"L-Luana..."


Napalingon naman ako at nakapagtataka kung bakit nandito siya.


"Luige? Bakit nandito ka? Di ba kasama mo ang Hermes' cabin? "


"Nasense ko ang presence niya. " sabay turo kay Luana.


"Hey, brother. " hindi namin siya pakinig pero yun ang ibinuka ng bibig niya, kasabay ang pagwave ng free hand niya.


Naalala ko na. Siya nga pala yung naikwento noon ni Ross na kakambal ni Luige. Yung Luana.


"Kazam! " sigaw ni Luana at may lumapit sa kanyang lalaki na ang dalawang paa ay parang kabayo pero wala siyang buntot, at may ibinulong siya dito. Tumingin sila parehas sa akin at napansin ko ang pagtango nung Kazam.


Kazam, Kazam.


I want you to find this annoying Kazam. And bring him to me. I want him alive. Do your work and I'll give you what you want.


Ahh... Naalala ko na. Siya yung tinutukoy doon sa letter na nabasa ko noon sa library.


Ikinalat ko na yung mata ko sa paligid pero hindi ko pa rin nakikita si Bella. Mukhang wala siya dito. Hayss.


Biglang may humigit kay chadar sa kamay ko itinakbo ito palayo. Hahabulin ko na sana siya pero bigla siyang nagcollapse at nabitawan niya si chadar.


"AHH!!!" sigaw niya na namimilipit sa sakit at ganun ang nangyari sa mga nakalaban ko kanina.


"Kazam! " sigaw ni Luana at lalapitan sana ni Minerva si Kazam pero pinigilan siya.


Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now