CHAPTER FORTY

2.2K 87 1
                                    

Sa pagtitigil namin dito sa Southwest ay wala namang umaatake pa kaya biglang dumating si Gordon at sinabi sa aming bumalik muna sa mga cabin at pagpunta namin doon ay bumungad sa amin ang lahat ng mga campers na nagtamo ng mga sugat at pagod na pagod sa pakikipaglaban. Nahihirapan ako sa kalagayan nila.


Pasimula pa lang siguro ito ng plano ni Iapetus na pagatake dahil ni isang demigod ay wala pa palang sumusugod. Halos lahat ng mga campers ay nandito na at ginagamot na sila.


"Kailangan niyong maghanda. " bulong ni Victoria na di ko namalayang lumapit na pala sa akin. "Kasunod nito ang pagatake ng mga demigod at mukhang kasama na si Iapetus. " tiningnan ko siya na namumutla na.


Lumayo din agad siya sa akin at tumulong sa panggagamot.


Mukhang nararamdaman ko na ang presence ni Iapetus, lalo na ngayon na madilim na ang buong paligid at ang liwanag lang ay ang bilog na buwan at sinindihan na rin ang bonfire dito sa camp. Parang lalong nahihirapan ang loob ko dahil sa kalagayan ngayon ng mga demigod na kasama ko at para kay Bella. Hindi ko alam kung makakaya ko 'to, kung makakaya ba namin 'to lalo na't walang ibang tutulong sa amin. Tsk.


Si Throy naman ay nakaupo sa labas ng cabin nila na may ilang maliliit na sugat sa braso at nagpapahinga. Napainom na ng ambrosia (inumin ng mga gods pero sa mga demigod,ito ay mabisang gamot at nakapagpapalakas )ang halos lahat na demigod pero nangangailangan pa rin sila ng maraming lakas para sa susunod na laban.


Tumingin ako sa buong paligid na pakiramdam ko'y may kakaiba. Ang paggalaw ng mataas na apoy ng bonfire ay parang bumabagal kahit na malakas ang hangin at ang ilang dahon na lumilipad mula sa sariling puno ay in slow motion din.


"May problema ba? " bumilis ang tibok ng puso ko sa biglaang pagtatanong ni Throy na nasa tabi ko na pala at tinitingnan ako.


"Meron. "

Lumapit ako sa mga nagkakatipong campers na nagpapahinga pa rin.

"Humanda kayo. Nandito na sila. "

Nagkatinginan silang lahat sa akin at mabilis na nagsitayuan at kumilos.

"Sa mga hindi na kayang lumaban...please. Mabuting maiwan na kayo dito kasama sina Victoria. "


"Naiintindihan ka namin. " sabi nung isang babae na anak ni Hermes at nag-agree yung iba.

Napatingin kami kay Chiron na patakbong lumapit sa amin kasama ang kapwa niya mga centaur.

"Paparating na sila. " sabi ni Lexus.


"About five hundred meters away. " sabi ni Chiron. "Go to your respective place. "


"And... " tumigil silang lahat sa pagkilos at tumingin sa akin. "Please, be careful. "


Ngumiti silang lahat sa akin at nagsitanguan. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.


"You should be careful, too. " sabi ni Chiron at nagsi-alisan na ang mga campers papunta sa naassign sa kanila.


"Sa Half-blood Hill tayo. " sabi ni Chiron. "Siguradong doon dadaan si Iapetus. "



Tumango na lang kami ni Throy at sumunod sa kaniya na nauna ng umalis.


Nasa position na kaming lahat at nababalot ng katahimikan ang buong paligid. Nakahanda na ang mga weapon namin at hinihintay ang pagsugod ng kalaban.


"If we didn't make it... And if this night would be our last night..." napatingin ako sa kanya na nasa left side ko.


Yeah... This night would be our last night. Talking and seeing each other. But... No. I won't let it happen. I have a mission to finish and won't end it here.

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now