CHAPTER TWENTY NINE

2.5K 74 0
                                    

I never thought that it's been almost three months of staying here...at wala pang nadadagdag sa aming anim. Tsk. Mukhang nag-eenjoy naman ang mga half-blood dito sa bahay ni Throy dahil di ko man lang nakikita silang lumalabas at natutulog. Almost every night na magulo dito dahil yung isang room sa taas ay parang disco at parang practice center ng mga kasali sa band dahil may mga drums, guitars,piano at mga brass instruments. Syempre, hindi yun hinayaan ng mga half-blood na nakadisplay lang sa kwarto, ginamit talaga nila at tuwang tuwa dahil maganda raw yung combination ng mga sound kapag sabay sabay na ginamit.

Kung nandito lang kayo, for sure nagdugo na ang mga tenga niyo sa ingay. Hindi na lang nagsalita si Throy nang makitang patid na ang ilang strings ng guitar at yung ibang drum ay butas na (pa'no ba naman kasi hindi mabubutas eh hindi lang stick ang ginagamit kundi pati sapatos at walis ay ginamit nila.) Ano bang utak meron ang mga 'to?


"Grabe! Ang saya! " sigaw ni Ross pagkababa at nakasunod sa kanya yung iba na hindi maitsurahan dahil sa saya. Kahit naman di niya sabihin yun halata naman sa mukha niya.


"Throy! San pala galing ang mga yun? "tanong ni Freyr pero wala siyang natanggap na sagot. Sigurado galit yun.


Nandito na silang lahat sa sala at hindi pa rin makaget over sa mga ginawa nila dahil tuloy pa rin ang kwentuhan tungkol doon.


"Posible bang may ibang half-blood na sama-sama dito?" putol ko sa pag-uusap nila at lumipat ang atensyon nila sa akin.


"Possible. " sagot ni Victoria.

"Bakit ba ang seryoso mo sa buhay? Lagi na lang mga half-blood ang iniisip mo— minsan naman mag-enjoy ka dito sa mundo. "



"Oi, Ross. Tumahimik ka nga. " saway ni Freyr at tiningnan siya nito ng masama.

"Ikaw ang tumahimik! "

"Hindi ba kayo titigil? " napatingin sila sa akin at mga nagtunguhan na lang.

"May alam akong lugar na madalas puntahan ng ilang half-blood dito. " napatingin ako kay Throy ng bigla siyang magsalita at ganun din yung apat. "Holland Bloom ang pangalan ng bar na 'yon at maybe twice or thrice pa lang akong nakapunta doon. "

"Malapit ba dito 'yon? "tanong ko.

"About 500 meters from here. " sagot niya habang nilalaro ng isang kamay ang isang silver boomerang na isang ruler ang haba.

"Bakit parang ngayon ko lang narinig ang 'Holland Bloom' na 'yan? " tanong ni Ross na nakakunot ang noo.

"Secret Service lang 'yon at masyadong tago dahil illegal yung construction nun, kaya may schedule kung kailan 'yon bukas at hindi. "

"Kailan tayo pwedeng makapunta doon? "

"Anong araw ngayon? " tanong niya.

"It's Saturday. August 7." sagot ni Victoria.


"Well, ito ang last night na open sila. " tumingin siya sa amin. "Pwede tayong pumunta kung gusto niyo. "

"I'm going." sabi ni Ross na itinaas pa yung left hand.

"Me too. " sabi din ni Freyr.

"Okay, pumunta tayo. " sabi ko at tiningnan ko sila.

"We're going too. " sabi ni Victoria at Bella.

"Then, Let's go. " tumayo na siya at itinago sa pocket ng coat yung boomerang niyang hawak.

Crixpien And The Last OlympianOnde histórias criam vida. Descubra agora