CHAPTER ELEVEN

4K 111 0
                                    

Sa paglalakad ko, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya't tumigil ako at sumilong sandali.

National Library

National library? Pumasok ako sa loob at doon muna nagtigil. Nagpalakad lakad ako sandali at tinitingnan ang naggagandahang mga cover ng bawat libro. Ang gaganda nila, nakakaingganyong basahin.

Kumuha ako ng isang libro saka naupo sa isang lamesa doon at nagbasa. We'll hindi ko naman siya binabasa, tinitingnan ko lang yung mga picture ng bawat chapter.

May napansin akong umupo sa harap ko at may ilang libro siyang dala at nagbabasa. Tiningnan ko siya. Magandang babae na hanggang tenga ang pulang buhok. Buklat lang siya ng buklat at parang may hinahanap. Imposible namang binabasa niya yun di ba?

Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Hi. " bati niya

"Hello."

"I'm Minerva. " pagpapakilala niya. Well kapangalan pa talaga niya si Athena.

"Crixpien. "

"Nice to meet you. "

"Nice to meet you too. "

"Ahh. Nagbabasa ka ba? "

"Mm. No, nagtitingin lang ako. Ikaw? Bakit parang may hinahanap ka? "

"Oh. Yeah, may isang page kasi akong hinahanap. "

"Mmm. Kailangan mo ba ng tulong? "

"No. Hindi na. "

"Okay. "

Infairness , mukhang mabait.

Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa libro na hawak ko at nagbubuklat ng mga pahina.

Pagbuklat ko ng sunod na pahina, napansin ko na magkaparehas ang number nito, kaya tiningnan kong mabuti.

Page 25. Page 25.

Yung harap niya page 25 at yung likod na page, page 25 din. Tiningnan ko naman yung sunod na page pero page 26 naman.


Page 25,page 25 ,page 26? Ano yun?

Baka namali lang siguro ng natype na number yung gumawa ng libro.

"Haisst. Asan na ba kasi yun? "reklamo ni Minerva.

Hindi ko naman siya pinansin at nakatuon pa rin ang atensyon ko sa page ng libro.

Binasa ko yung unang page 25. Connected naman sa kwento. Yung padalawang page 25 naman ang binasa ko. Ganun pa rin, may connection pa rin sa story. Pero nung basahin ko yung page 26. Sobrang layo sa story. Hindi ito ang kasunod na page.

Ito kaya yung hinahanap nitong babae? Ano naman kaya ang dahilan at gustong gusto niya makita yung nawawalang pahina?

Sasabihin ko na sana na may nakita akong page at ito na ata yung hinahanap niya pero parang may nag-utos sa akin na wag itong ipaalam sa kanya.

"Anong page ba yung hinahanap mo? "

"Page 26." sagot niya habang patuloy sa pagbuklat.

"Ano bang meron dun? "

"Basta. Kailangan kong mahanap yun. Importante ang mga details na nandoon. " humawak siya sa ulo "Tsk. " huminga siya ng malalim saka kinuha ang mga librong hawak niya at umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya.

Gaano naman kaya kaimportante ang page na yun sa kanya?

Tumingin ulit ako sa page 26 at binasa from the top.

'There was an ornate double doorway and three wide granite steps. The tall street-level windows were protected by decorative wrought iron. Mounted on the wall, next to the door, was a polished bronze plaque that said : CONSULATE. UNITED STATES OF AMERICA. The door was locked. A half-dozen young people who looked like students with their packs and canvas luggage were lined up along the sidewalk. '

Okay. Ano 'to?

Pinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa.

The morning traffic was already building on the Promenade des Anglais. Workmen were hosing down the sidewalk restaurants that fronted the row of expensive hotels, spraying the profusion of plants and flowers that bordered the avenue. Tables and chairs were wipe dry and arranged. On the bay side of the busy street the beach boys were stacking the rental lounges and beach pads. '

Napakamot ako sa ulo. Yung totoo. Wala akong maintindihan sa binasa ko. Ano bang sinasabi ni Minerva na may mahahalagang details dito? Eh puro echetera lang na kwento ng di ko alam na libro 'to na naligaw ba o sinadya ilagay dito.

Itatabi ko na sana yung libro pero napatigil ako ng may makita akong mga number sa sumunod na paragraph.

23O18O9O7O2_7O12O13O20O6O22 ,

18O21 2O12O6 21O18O13O23 7O19O18O8 20O12 21O18O13O23 7O19O22 25O12O12O16 12O21 8O13O12O4 4O19O18O7O22 26O13O23 7O19O22 8O22O5O22O13 23O4O26O9O21.

Ohh. So ano ngayon 'to? Anong pauso 'to? Ito na ba yung sinasabi ni Minerva na mahalagang details? Puro numbers? Password ba ito o numero sa lotto? Kaloka.

Find the  'Death Games' to find out what will be your next move.

Okay laro ata ito ni Minerva eh. Death games? Libro din ba yun? Anong connect nun dito?

Tiningnan ko ulit yung mga numbers. Siguro may meaning ang mga numbers na ito. Paano ko naman kaya malalaman? Ia-add ko ba? Minus? Subtract? Divide o ano?

May nakita akong ballpen at bond paper sa kabilang table kaya kinuha ko ito. Nagsulat ako ng alphabet at nilagyan ko ito ng mga numbers. Ang 1 ay A, ang 2 ay B. Mali eh.

Pano ba ito? Tsk. Sandali nga, bakit ko nga pala pinoproblema kung ano mang mensahe o meaning ang nilalaman ng mga nakakalokong numbers na ito? Bakit ko pinapahirapan ang sarili ko sa paghula? Hayy naku.

*****

Crixpien And The Last OlympianTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang