CHAPTER TWENTY ONE

2.6K 74 0
                                    

****

"Hihihi. " napatingin ako bigla sa may bungad ng tent ng marinig kong may humagikhik.


"Hihihi. " tumayo na ako at lumabas para tingnan kung sinong nandun, pero wala naman akong makita.

Abo na lang ang natira sa bonfire at buwan na lang ang nagsisilbing liwanag. Sinulyapan ko muna sina Ross at mahimbing namang natutulog kaya naglakad na ako palayo. Tinungo ko yung daan papunta sa bahay nina Hannah, basta kusang lumakad yung mga paa ko papunta doon.

Hindi ko alam kung anong oras na pero bakit narinig ko na naman si Hannah? Anong ginagawa niya dito ?

Kwak! Kwak! Kwak!

Tumawid na ako sa ilog at medyo natanaw ko na ang bahay nina Hannah kaya binilisan ko ng lakad. Sumilip ako sa bukas na bintana malapit sa pinto at nakita ko lang ay lampara na may sindi pa.

"Hannah, ikaw na ba yan?" tawag ni Mrs. Ofelia at binuksan niya ang pinto.

"Ah, Good evening Mrs. Ofelia." hindi ko man makita yung aura niya dahil madilim sigurado akong nagtaka siya kung bakit nandito ako.

"C-Crixpien? "

"Ahm... Wala ba dito si Hannah?"

"Sabi niya lalabas lang siya sanda—"

"Ma!!" napalingon ako ng marinig ko ang tawag ni Hannah at tumakbo siya palapit sa mama niya.

"Bakit ang tagal mo?"


"Sorry po. " tumingin siya sa akin "Ate. Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Ah wala. Pinuntahan lang kita."

"Siya, pasok ka muna." sabi nung mama niya sa akin.

"Ah, hindi na. Matulog na lang ulit kayo Mrs. Ofelia."

"Ate, wag ka po munang umalis. Sandali lang po hah? Dadalhin ko po muna si mama sa kwarto niya."

"S-sige." sagot ko at tumalikod na sila at inaalalayan ni Hannah yung mama niya papunta sa kwarto.



Naupo ako sa pangalawang baitang ng hagdan nila sa may pinto para maghintay. Ilang sandali lang naman ay dumating na si Hannah at tumabi sa akin.

"Hindi ba kita naiistorbo? Baka... Inaantok ka na—"

"Ate, hindi po. Natulog ako buong maghapon kaya di ako agad aantukin." tiningnan ko siya. Napakabata pa niya para hindi matulog ng gabi.

"Ate, ano po palang pinunta niyo dito?" natanong na niya sa akin yun kanina.

"Wala. Pumunta ka ba sa camp namin kanina?"

"Hindi po." tiningnan ko siya. Imposible boses niya yung narinig ko kanina.

"Pero... Hindi ako pwedeng magkamali dahil narinig kita kanina. " tumingin siya sa akin at nagdikit yung kilay niya pero agad ding nawala.


"Ah. Opo, napunta ako dun kasi hinahabol ko siya."


'Siya.' narinig ko na naman yung 'Siya' na yun. Nacucurious na naman tuloy ako, at lalong ginugulo ang utak ko.


"Sino ba yung 'siya' na yun? " napatingin siya sa suot kong gloves na nakapatong sa tuhod ko at tumingin din ako doon.



"Siya po yung kaibigan ko." hinawakan niya yung kamay ko.

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now