CHAPTER TWENTY TWO

2.7K 84 1
                                    

Malapit ko ng marating yung camp namin nang may mapansin akong tumakbo sa kaliwang direksyon ko kaya napatingin agad ako at tumigil sa paglalakad, ilang sandali akong nagmasid kung may tatakbo ba o ano pero wala naman kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.


Napahinto ako nang may makita akong nakatayo sa di kalayuan at nakatingin siya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya din yung nakita ko kanina sa pagtawid ko sa ilog. Ano bang problema nito? Nagulat na lang ako ng bigla niya akong ngitian at biglang nawala.

Sino yun?

Nang hindi ko na siya talagang makita, nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino ba ang babae na yun at bigla na lang akong nginitian. Baliw kaya yun?

Pagpasok ko sa tent ay mahimbing pa ring natutulog yung dalawa, kaya nahiga agad ako dahil nararamdaman ko na ring bumibigat yung eyelids ko at parang pinapaypayan na yung mata ko.

---

Buong maghapon lang akong nagtigil sa camp namin dahil wala na rin naman akong pupuntahan. Tumutulong sa pag-assist ng mga tao at nagbibigay ng mga pagkain sa kanila ang ginawa ko,kaya hindi na rin ako nakabisita kay Hannah. Si Freyr naman, nandun lang sa loob ng tent at hindi lumalabas, ayaw niyang makaharap ang maraming tao.

"Nga pala Ross, yung... Nanay ni Hannah bulag, hindi niyo ba yun pwedeng gamutin? Hindi na ba siya muling makakakita? " tumingin siya sa akin.


"Mm. Pwede pa naman kaya lang... Transplant ang kailangang gawin. "

"Transplant? " tumango siya.

"Yup. An operation of moving an organ from the donor to the recipient. Pero... Hindi ko pa naman nakikita kung ano ang deperensiya sa mata niya kaya di ko pa sure kung transplant ang kailangan. Malay mo, cataract ang dahilan kaya hindi siya makakita. " naupo siya sa folding bed at nag-aayos ng mga gamit.

"Okay lang ba kung puntahan natin siya? " napatingin siya sa akin.

"Pero paalis na tayo. "

"Akala ko ba one week? "

"Yun din ang alam ko, pero sabi ni Jillian aalis na daw tayo bukas. " Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos "Isa pa, naubos na yung mga medicine naming dinala. Ipinamigay na rin namin yung mga natitira pang vitamins. Wala naman na tayong gagawin pa dito kaya... Mabuti pa ngang umuwi. " napatingin ako kay Freyr na tahimik lang na nakaupo at nakikinig sa paguusap namin.


"Oy, Freyr, okay ka lang? " tumingin siya sa akin at tumango "Bakit ang tahimik mo? "

"W-wala. Medyo naninibago lang ako dahil ngayon lang ulit ako may makakasama."

"Ganun ba?

"Tss." banat ni Ross na umirap sa kawalan.

"Ah, excuse me. Crixpien, may naghahanap sayo. " napatingin kami kay Stephanie sa bungad ng tent.

"Sino daw? " tanong ni Ross.

"Ewan. Bata eh. " tumayo naman ako at lumabas "Iwan na kita. " umalis na siya at pumasok sa sariling tent.


Nagpalinga-linga ako sa paligid pero di ko naman makita si Hannah kaya medyo lumayo ako sa camp namin.

"Hannah? "

"Ate! " sabay yakap niya sa bewang ko.

"Hannah. " naupo ako para maabot ko siya "Hinahanap mo raw ako? " ngumiti siya sa akin at tumango. Itong bata na ito ang pinakacute ngumiti sa lahat ng mga bata na nakita ko dito sa mundo.

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now