CHAPTER EIGHTEEN

2.7K 87 2
                                    

Habang naglalakad ako napatingin ako dun sa binigay ni Hannah sa akin. Binuklat ko yung nakabalot dito at ang nakita ko... Ay maliit na sanga.

Yung itsura ng sanga ay Y at kalahating ruler lang ang haba niya at medyo natutuyo na.

Pero bakit ganun? May limang bulaklak ang nakadikit pa rin dito? At mukhang sariwa pa pero yung sanga tuyot na. Iba't iba ang kulay nung limang bulaklak, may blue, yellow, pink, red, and white na kahawig ng sampaguita at ang mga ito ay nakadikit sa upper part nung Y kaya V yung kinalabasan.

Bakit niya ako binigyan ng ganito? Tsaka ano ba to?

---

"What's that? " tanong ni Jillian saka inagaw sa akin yung hawak ko. Nakatingin naman yung iba niyang mga kasama sa hawak niya.

"Artificial ba yan? " tanong ni Elise, isa sa mga kasama niya.

"No. Tingnan mo yung flowers, totoo. " sabi naman nung Betty.

"OUCH!!!" nabitawan niya yung hawak niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nagdudugo na yung kamay niya. Agad naman siyang nilapitan ni Ross at ginamot yung sugat niya.

"Crixpien wag! Wag mong hawakan yan!" sigaw ni Ross nung kukunin ko na sana yung hawak kanina ni Jillian pero kinuha ko pa din. "Sinabi na ngang wag eh! " lumapit Siya sa akin at di ko alam na nakatingin pala si Jillian.

"Bakit ba? Wala namang nangyari eh. " kinunutan ko siya ng noo.

Tiningnan niya yung hawak ko at nagtataka siya kung papano nasugatan si Jillian nito. Ako din. Hindi ko rin alam kung papano nasugatan si Jillian nito, eh wala naman akong nakikitang tinik o ano man na pwedeng makasugat. Tsaka isa pa, ilang segundo pa lang niya itong nahahawakan eh.

"Ayos na ba siya? " tanong ko at tiningnan ko si Jillian na nakatingin pa rin sa amin.

Tiningnan din naman siya ni Ross ng saglit.  "Yeah. Medyo namaga lang yung kamay niya. "

"Namaga? " pano naman namaga yun agad agad?

"Oo. May nakita rin akong maliliit na tusok sa mga daliri niya. Parang maliliit na tinik eh. " bumaling siya saglit kay Jillian "Ang ipinagtataka ko lang, papano namaga agad yun? At paano niya nakuha yung mga tusok na yun? " tiningnan niya yung hawak kong sanga.

"Teka... San mo ba nakuha yang weird na bagay na yan? "

"Bigay lang 'to sa akin. Hindi naman weird ah. " tiningnan ko yung hawak ko.

"Anong hindi? Tingnan mo nga, papano nangyaring may iba't ibang kulay ng bulaklak sa iisang sanga? "

"Kulay lang naman ang pinagkaiba nila."

"Sino bang nagbigay sayo niyan? "

"Hindi ko kilala. "

"Hindi mo pala kilala, bakit mo tinanggap? " pumunta siya sa tent namin "San ka nga pala napunta at ang aga mong nawala? Di ka man lang nagpaalam? Eh di sana hindi kami nag-alala sayo. " sinundan ko siya .

"Tss. Di ba sabi ko sayo kagabi, hahanapin ko si Freyr? " tiningnan ko siya habang may kung anong hinahanap ata dun sa mga gamit niya.

"Nang ganun kaaga? " medyo naiinis na siya.

"Hindi ko naman siya hinahanap pa eh. Pumunta ako dun sa bahay nung bata na nakilala ko kahapon. " tumingin siya sa akin

"Bata? Nakilala mo kahapon? "

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now