CHAPTER SIXTEEN

3.1K 86 0
                                    

Hindi ko maisip na isang buwan na pala kaagad ang lumipas. Parang kahapon lang nagsurfing kami tapos ngayon on the way na kami sa medical mission nina Ross.

Tumawag si Jillian kagabi eh, sabi ngayon daw ang flight.

"Ross, saan nga pala ang medical mission niyo? " tanong ko habang nakatingin sa traffic

"Sa Albania daw eh." nung maggreen na yung traffic light pinatakbo na ulit niya yung kotse.

"May tutuluyan ba tayo dun? "

"Tent lang siguro, malayo ata kasi sa city yung lugar na yun eh. "

"Sa tingin ko hindi dapat ako kasama eh. "

"Wala kang kasama sa apartment. Baka kung saan ka na naman dalhin ng mga paa mo at may makalaban ka na naman. "

"Tss. Pagdating natin dun... Maglalakad lakad na lang siguro ako sa kung saan. "

"Huh? Bakit? " napatingin siya sa akin ng saglit.

"Syempre, ano naman gagawin ko? Uupo lang sa isang tabi at tutunganga sa mga ginagawa niyo? "

"Syempre tutulong ka din. "

Pagkadating namin sa airport nakita agad namin si Jillian na siguro ay kanina pa naghihintay dahil nakataas na ang kilay.

"Sorry nalate kami, traffic eh." pagpapaliwanag ni Ross

"No okay lang. Let's go baka mahuli tayo sa first flight. " lumakad na siya at sumunod na kami.

Matagal din kami sa eroplano bago makarating sa nasabi ni Ross na lugar.

"So we're here. " huminga siya ng malalim pagkalabas na pagkalabas ng airport. Sa tingin ko hindi kami magkakasundo ng babae na to.

Nagbiyahe pa kami ng ilang oras bago makarating dun sa talagang lugar kung saan gagawin ang medical mission nila.Pagkarating namin, marami ng tao ang naghihintay.

"Guys anong oras kayo nakarating? "tanong ni Jillian dun sa mga nakasuot ng puti. Mga kasama ata nila.

"Almost an hour. Bakit ang tagal niyo? Kanina pa sila naghihintay eh. " sabi nung isang babae


"Sorry. Sige i-assist niyo na sila. "

"Dito na lang ako. " sabi ko sabay upo sa isang upuan 10 meters ang layo mula sa mga tao.

"Di ba sabi ko—"

"Madami na kayo oh. Kaya niyo yan. Isa pa ano bang malay ko sa pagassist? "


"Sige na nga. Pero diyan ka lang hah? Wag ka aalis. "

"Ginagawa mo naman akong bata eh. " napakunot ang noo ko.

"Basta wag ka lalayo. " saka na siya lumapit dun sa mga kasama niya.

Kinakausap nung iba nilang kasama yung mga tao at isa-isang lumalapit kay Jillian at Ross para gamutin kung ano man yung pinapagamot nila at binibigyan ng gamot.

Sabi ko na nga ba eh. Gan'to lang ang mangyayari sa akin. Uupo sa isang tabi at tutunganga sa mga ginagawa nila. Sabi ko na eh. Eto yun eh.

"Ate, kasama ka ba nila? " isang batang babae ang lumapit sa akin. Maikli ang kulot niyang buhok at light brown ang kulay ng kanyang mga mata. Maayos naman ang itsura niya at siguro mga 7 years old na siya.

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now