CHAPTER THIRTY FOUR

2.3K 67 0
                                    

Pagpasok ko ng ay busyng busy ang lahat. Nag-aayos sila ng sarili at... Teka san ba ang punta nila? Dapat ay natutulog na sila.

"Teka, saan..."


"Aalis na tayo. " napakunot ang noo ko kay Victoria.


"Hah? San tayo pupunta? Bakit tayo aalis? "


"We're going to Long Island Sound. " sabi ni Throy.

Long Island Sound? Where the heck is that?

"Teka, hindi tayo pwedeng umalis hanggang hindi pa nakikita si Bella. " protesta ko.


"Crixpien, let's go. " sabi ni Victoria at naglabasan na silang lahat. "Nagsisimula na ang lahat? " napakunot ulit ang noo ko.


"Nagsisimula na ang alin? " hinawakan ni Throy ang kamay ko at hinatak niya ako palabas.


"May nakita si Victoria. Sasabihin niya 'yon sa'yo pagdating natin doon. "


May tumigil na black na Van sa bungad ng eskinita at doon sila pumasok. Hinatak ako ni Throy papunta dun sa front seat na katabi ng driver at nagulat na lang ako ng makita ko yung driver ng sinakyan namin. Tatlo ang tainga niya sa kaliwa at ganun din sa kanan. Nang tumingin siya sa akin ay nagwave siya at nagulat na naman ako sa nakita ko. Bakit fourteen ang mga daliri niya sa kamay?


"Half-blood. " bulong ni Throy at umandar na 'yong sinasakyan namin.


Paano...? Kinontak ba siya ni Victoria para sunduin kaming lahat? Or malakas lang ang pandinig niya kaya narinig niya yung sinabi ni Victoria na aalis kami? Or both?


Tahimik lang yung driver at napahawak na lang ako sa seat belt nang biglang bumilis yung sasakyan. Pakiramdam ko'y lumilipad na kami sa bilis at natatakot ako para sa mga nadadaanang mga mortal na baka mabangga pero wala. Wala akong nakikitang mga sasakyan na nagdadaanan at napansin ko lang na wala na pala kami sa kalsada. Nasa... Gubat na kami? Papaanong nadala niya itong malaking van na'to dito?



Sa wakas ay tumigil na rin kami at nagsilabasan na sa van. May narinig akong pumalakpak at paglingon ko'y wala na yung van sa likod namin.


"That van is fantastic. " sabi ni Ross.


"Tocino, dude. " sabi ni Freyr na agad lumayo kay Ross para hindi mabatukan.

Hindi ko na sila pinansin at tiningnan ko ang buong paligid. May ilang cabin akong nakikita na iba't-iba ang kulay at ayos. May bonfire akong natatanaw sa gitna ng mga cabin at sa paligid nito ay may ilang nagsasayawan at nagtatawanan.


"Welcome to camp half-blood." napatingin ako sa nagsalita.


Isa siyang... Centaur? Waist up is half human and waist down is half horse. May mahaba siya white beard at mahaba ring buhok. Mukhang nasa hundred years old na siya pero mukhang malakas pa rin. May bow siyang nakasakbit sa likod at sword habang sa bewang niya ay quiver.


"Chiron. " napatingin ako kay Victoria nang banggitin niya ang pangalan ng centaur sa harap namin.


"Kilala mo siya? " tanong ng lahat at tumango lang siya.


"Oh! New campers? " tanong ng isa pang centaur na dumating na mukhang matanda na rin.

Ano new campers? Pero hindi...


"Tumuloy na kayo. " sabi ni Chiron kaya nagpakilala muna sila sa kanya bago sumunod doon sa isang centaur at dinala sa cabin, habang kami ni Victoria at Chiron ang naiwan.

Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon