CHAPTER NINE

5K 143 3
                                    

"Ah... Ang sakit na ng tuhod ko. " reklamo niya sabay upo sa lupa.

"Normal lang yan sa tumatanda na. Humihina na ang mga buto." sabi ko.

"Aah... Bakit ba kasi walang dumadaang mga sasakyan!?" tumayo siya saka naglakad ulit "San ba tayo pupunta? " tanong niya na nakakunot ang noo.

"Kahit saan. Hahanapin natin sila. "

"Tss! Dapat inisip mo muna bago tayo umalis. " protesta niya.

"Wala ka bang nakilalang demigod dito? " tanong ko na lang habang patuloy na naglalakad.

"Meron. At kasama ko sila dati. "

Napahinto ako sa paglakad at tumingin sa kanya.

"Nasaan na sila ngayon? "

"H-hindi ko alam. " napahinto siya saglit at tumingin sa akin saka nagpatuloy ulit sa paglakad "At isa pa ang nakilala ko lang dati ay ang kambal na si Luana at Luige saka si Tim. "

Nagsimula na ulit akong maglakad habang pinapakinggan siya.

"Si Luana 'The Viper' , si Luige naman kayang manipulahin ang hangin, at si Tim... 'The Controller' ...kaya niyang kontrolin ang mga bagay, oras at panahon. " pagpapatuloy niya.

Tumingin siya sa akin. "Lupet di ba? " sabi niya na parang manghang mangha.

Inirapan ko naman at nagpatuloy sa paglalakad. "Ituloy mo yung kwento mo. "

Nagsimula na rin siyang maglakad.

"Malaki ang galit ni Luana sa mga tao kaya naman nagdesisyon siyang makidigma sa mga militar, pero hindi kaming tatlo pumayag. Walang laban ang mga normal na tao sa amin. Nagalit siya kaya pinapili niya kami, kung makikidigma sa mga tao o habang buhay na lang magtago at kalimutan ang papel ng pagiging demigod namin... Pinili naming tatlo na magtago na lang. Humiwalay ako sa kanila, ganoon din si Luige at Tim,  kaya wala ng kakampi si Luana... At dahil dun hindi na niya itinuloy yung balak niya. " kwento niya "Magmula noon, wala na akong balita sa kanila. " dagdag niya.

Matapos ang ilang oras, narating na namin ang sumunod na bayan at nagpalipas kami ng ilang araw sa isang Apartment.

"Sasama ka ba? " tanong niya sa akin

"Saan? "

"Kakain sa labas. Nagugutom na kasi ako." hinawakan niya yung tiyan niya

"Sige. "

****

"Bakit di ka pa kumakain? " tanong niya habang nakatingin sa akin na nakatingin lang sa pagkain sa mesa

"Pwede ba ako nito? "

"Bakit hindi? "

"Naisip ko lang."

Kumunot ang noo niya.

"Ni minsan di ko pa narinig na ipinagbawal ang pagkain. " sabi niya "Bakit kaya hindi mo tikman? "

Kumain na din ako at masarap naman. Remember ito ang unang beses na kumain ako dito sa mundo ng mga tao.


"Nagustuhan mo ba yung kinain natin kanina? " tanong niya habang naglalakad kami

"Hmm. Oo. Yun ang unang pagkaing natikman ko dito."

Napansin ko ang pagngiti niya.

Tumigil kami sa isang tindahan at may binili siya na iniabot sa akin yung isa saka kami nagsimula ulit na maglakad.

"Ano 'to? "tanong ko.

Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon