CHAPTER TWO

6.9K 201 4
                                    

Lumipas na ang araw at pumalit naman dito ang bilog at maliwanag na buwan kasama ang kumikislap na mga bituin. Hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta at kung saan ako maaaring tumuloy.

"May tao ba diyan!? " isang boses ng lalaki ang narinig ko sa di kalayuan.

Ano? Sasagot ba ako?
Hindi naman ako tao eh. Dyosa ako.Dyosa.

"May tao ba diyan?! "pag-uulit niya.

Lumabas naman ako mula sa pagkakatago ko sa likod ng isang puno, at nakita ko ang isang matandang lalaki. May hanggang balikat siyang namumuting kulot na buhok at balbas na abot sa dibdib niya na maputi puti na rin. May hawak rin siyang baston.

"Saan ka galing? "tanong niya pero hindi pa ako nagsasalita ay nagsalita na naman siya "Sandali lang... Ikaw ba ay isang... Diyosa? " tanong niya sabay hawak sa balbas.

Anong sasabihin ko?

"Ehem... Ako'y galing sa isang malayong lupain at—"

"Hindi ako maaaring magkamali. Isa kang Dyosa. " putol niya sa sinabi ko "Ang ganda mo'y natatangi sa lahat. Ang suot mo ay sing puti ng bulaklak na sampaguita at kahit mga Reyna ay hindi pa nakakapagsuot ng ganyan... " pagpapatuloy niya habang umiikot sa akin "At ang yong buhok... Ay parang gintong perlas sa karagatan ang kulay. Walang duda. Isa kang Diyosa, hindi ba? " tingin niya sa akin na parang manghang-mangha at itinapat pa niya sa mukha ko ang lampara niyang hawak.


May perlas bang kulay ginto?

Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya at hindi ko inaasahan na tulad pa niyang matanda ang nakakilala sa akin.


"Isa kang Dyosa, hindi ba? " ulit pa niya.

Kailangan uliitin? Bingi ba ako?

"Oo. Tama ka. "

"Ano ang iyong pangalan? " tanong niya.

"Crixpien. "

"Pinupuri kita, kamahalan! " lumuhod siya saka ako sinamba.

Gusto ko sana siyang lapitan at hilahin patayo, pero naisip ko na baka siya mamatay pag ginawa ko yun.


"Tumayo ka riyan! "utos ko. Hindi kasi ako sanay sa ginagawa niya.

Tumayo naman siya at tumingin sa akin. "Ngunit kamahalan, isa kang Dyosa. " pangangatwiran niya.

"Alam ko yun. Pero ayokong nakakakita na may lumuluhod sa harap ko at sumasamba. Huwag mo na ulit gagawin yun. " ewan ko ba at naiinis ako.

"Ipagpaumanhin po ninyo. " sabi niya sabay tungo.

"Ano ba ang alam mo? "agad ko ng tanong.

"Masyado na pong malalim ang gabi, kung maaari po sana ay tumuloy muna kayo sa aking bahay at sasabihin ko po sa inyo lahat ng aking nalalaman. " tumalikod na siya saka naglakad pero tumigil din ng magsalita ako.

"Ngunit... Dapat ba akong magtiwala sa tulad mo? " kunot noo kong tanong.

Nilingon naman niya ako. "Nasa sa inyo po kung magtitiwala kayo sa akin, kamahalan. Subalit aking hiling na ako'y inyong pagkatiwalaan. " Yumuko siya sandali saka tumalikod at naglakad na ulit. Ako naman nakasunod lang habang pinagmamasdan siyang lumakad ng marahan. Patag na lupa naman ang dinaraanan namin pero hindi ko alam kung bakit parang tumutulay siya sa isang marupok na tulay at pinapakiramdaman ang bawat paghakbang niya.


Hindi ko alam kung tama ba na magtiwala ako sa kanya, pero hindi na rin siguro masama. Siguro sa ngayon, kailangan ko muna siya.


*******

Isang silid na puno ng libro, papel,mapa at kung anu-ano pa ang nakita ko dito sa bahay niya.

"Ilang dekada rin akong naghintay sa pagdating mo kamahalan. " sabi niya habang may hinanap na kung ano sa isang mesa na puno ng papel

Ano? Dekada? Ilang dekada siyang naghintay? Hinintay niya ako?

"Ilang...dekada... mo akong hinintay? " nagtataka kong tanong.

"Opo. Ilang dekada akong naghintay sa pagdating niyo. " may ipinakita siya sa aking isang litrato.

Ako ba'to? Bakit parang ako?

"Te-teka... Kamukha ko ang nasa larawan. "

"Ikaw po yan,kamahalan."

"P-pero paano ka nagkameron niyan? At bakit parang kilala mo ako? "

"Ilang taon bago pa man mamatay ang 12 great Olympian, may isang agila ang nagpakita sa akin dala ang propesiya mula kay Apollo. Ayon sa kanya, ikaw daw ang kahuli hulihang Olympian na nabuhay at mabubuhay dito sa mundo ng tao para gawin ang misyon na dapat sana ay nagawa nila noon. " pagkukwento niya.

"Hindi ko inaasahang nakipag-ugnayan pala sa tao ang mga Olympian. "

"Kahit ako'y hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, at sa akin pa. " may kinuha siya sa isang kahon at ibinigay sa akin.

"Ano naman ito? "

"Gloves ang tawag diyan, kamahalan. Ipinasadya ko pa yan sa Porlyusica sa kanluran para may magamit ka. Kapag isinuot mo yan, makokontrol ang kapangyarihan mo. "

"Porlyusica? At ano naman yun? "

"Yun po ay lugar sa kanluran kung saan ay, mga mahuhusay na salamangkero ang nagtatrabaho. " may kinuha ulit siya sa kahon at iniabot ulit sa akin "Kailangan mo pong magpalit ng damit, kamahalan. Upang sa ganoon ay walang makakilala sa inyong isa kang Dyosa. "

Kinuha ko yun .

"Kailangan niyo pong mag-ingat sa paggamit ng kapangyarihan dahil hindi po ito makatutulong sa inyo, lalo na dito sa mundo ng mga tao. " dagdag niya pa.

"Alam ko yun. " ngumiti ako "Gusto mo na bang magpahinga? " sarkastiko kong tanong.

Bakas sa mukha niya ang pagkatakot kaya tumalikod siya sa akin "N-naku! Hindi ko pa po iniisip yun. Gusto ko pa pong mabuhay ng matagal. "

"Ahaha! Ano ka ba? Ang ibig kong sabihin, ay kung gusto mo ng magpahinga dahil gabi na. Normal ka lang na tao hindi ba? Kaya natural lang na mapagod ka at kailangan mong mamahinga. " pagtatama ko.

Makakakain na sana si Cerberus na Isang dekada na ring hindi kumakain.

Ngumisi siya sa akin at umalis.

"Sige po. Nasa kabila lang akong silid kung may kailangan man kayo."


*****

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now