CHAPTER TEN

4.6K 121 0
                                    

Nasa apartment kami at nakaupo siya sa isang couch na nakataas ang dalawang paa habang nagbabasa ng magazine.

Ang sarap ng buhay ng lalaking 'to. Haisst. Kung hindi lang siya demigod napino ko na siya kahapon pa.

Bigla kong sinipa yung isang upuan sa dining table at bumagsak ito.

"Ano ba yan? Ikaw ang ibabayad ko kapag nasira yan. " sabi niya habang nakatakip sa mukha ang magazine na binabasa niya.

"Tss! "itinayo ko yung bangko at ibabato ko sana sa kanya pero bigla siyang tumingin. "To the left. To the right. " pagsasayaw ko habang hawak yung upuan.

Ibinalik niya yung atensyon niya sa magazine, kaya tumigil ako sa pagsasayaw at inihagis yung upuan saka lumabas.

Ewan ba at nai-imbyerna ako ngayon.

"Ano bang problema ng babaeng yun? " tumayo siya at nilapitan yung upuan na ibinato ko sabay hawak sa ulo.  "Haisst. Crixpien. Anong ginawa mo? "

Nagpalakad lakad ako sa tabi ng kalsada.

"Hi. " bungad ng isang lalaki sa akin. Isa pa 'tong lalaki na 'to eh.  "Long time no see. " dagdag niya.

Nagsmirk lang ako saka nagpatuloy sa paglakad.

"Ang sungit mo ah. " sumunod naman siya sa akin.

"Pwede ba lumayas ka sa tabi ko? Bad mood ako. "

"Lagi ka namang bad mood eh. "

"Oo. At lalo akong naba-bad mood pag nakikita kita. "

"Crixpien!" tawag ng isang lalaki sa likod.

Napalingon naman ako sa kanya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.


"San ka ba pupunta? "tanong ni Ross "Tsaka sino yang kasama mo? "

"Hi, I'm Paul. " pagpapakilala niya kay Ross.

"Okay Paul. I'm Ross. " pagpapakilala din nito. Bigla naman siyang tumigil sa paglakad at ganun din si Paul saka nagkatinginan sila.

"Paul? "

"Ross? "

Nag-apiran sila sabay banggaan ng balikat.

"Kamusta ka na, Brad? " tanong ni Ross.

"Okay lang naman. Police pa rin. Ikaw ba? "


"Ayos lang naman. Teka, magkakilala kayo ni Crixpien? "

"Ah oo. Kayo din? "

"Oo."

"Teka nasan na nga pala siya?" tanong ni Paul na pinagmasdan ang paligid.

"Ang bilis talaga mawala ng babaeng yun. " lumakad naman na siya "Brad, iwan na kita hah? Hahanapin ko pa siya. " dagdag niya.

"Samahan na kita. "

"Hindi na Brad. May kailangan kasi ako sa kanya eh. "

"Ha? Ah-eh. Sige. "

Sooo...  Magkakilala pala ang dalawang kupal huh?

Saan na nga ba ako pupunta? Ugh. Eh di maghahanap. Kung pwede lang sana may kapangyarihan akong ma-sense yung mga tao kung isa na ba sila sa mga hinahanap ko.

Sa tagal ng paglalakad ko, biglang humangin ng may dumaan sa tabi ko na hindi kilala, kaya nilingon ko siya. Tiningnan ko siyang mabuti. Yung mga nadadaanan niya hindi naman nahahanginan. Bakit nung dumaan siya saken may parang malakas na hangin na humampas sa mukha ko. Habang tinitingnan ko siya na palayo ng palayo, kusang humakbang yung mga paa ko at heto't sinusundan ko na siya.

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now