CHAPTER TWENTY SEVEN

2.5K 80 0
                                    

Habang palayo siya ng palayo, pahina ng pahina yung naririnig ko. Hindi ko alam kung ano yun pero I believe sign yun that he's also different...like us.

"Don't tell me you have crush on him. " tiningnan ko siya na tinitingnan yung lalaki na papalayo ng papalayo.

"Tsk. Shut up. " binalik ko yung tingin dun sa lalaki. "Follow him. "

"Pansin ko lang, naging favorite mo na yung 'Tsk. ' anong meron? " tiningnan ko siya ng masama. "Sabi ko nga trip mo lang na sabihin---"

"I said, follow him! "

"Okay. Okay. Chill. " agad naman niyang inistart yung engine at pinaandar.

Damn this Ross. Nakikita ko na ang real attitude niya. Akala ko nung una seryoso siya sa mga bagay-bagay, but now... I see the fact na may pagkasayad ang isang 'to. Mukhang puputok anytime ang ugat ko sa ulo nito.

"Heard that? " lumakas ulit yung ingay na naririnig ko.

"Hah? Ang alin? "

"Tinkle of steels. Steels flying in the air...like wind chimes... Damn. So I'm the only one who can hear that? " I frowned.


Tumigil siya sa pagdrive kaya napatingin ako sa kanya.


"Pumasok siya doon." tinuro niya yung maliit na eskinita.


"Sundan natin. "


"Pero—" bumaba ako at sumunod agad siya.


Tinungo namin yung eskinita at ang dami kung naririnig; Screaming souls and groaning which I only heard when I was in Underworld. I think there are numerous people who died in here.


Tumingin ako kay Ross na nasa tabi ko lang at tinitingnan yung mga sulat sa wall at kalat ng paligid.


"Dead end. " napatingin ako sa harap namin at dead end na nga. Malayo na pala ang nalakad namin at medyo madilim din sa corner na 'to. "San nagpunta yun? "


"Ross. " tumingin siya sa akin at sabay kaming tumingin sa tabi ko at may pinto akong nakita. "Dito siguro siya pumasok. " hinawakan ko yung door knob pero pinigilan ako ni Ross na pihitin yun.


"Wait. Why don't you just knock? " binitiwan ko yung door knob at tumingin ako dun sa maliit na box sa taas ng pinto na katapat ng ulo ko at agad akong kinabahan sa nakita ko.


Things are floating...including spoons, forks, plates, doormat, couch, mga utensils at kung anu-ano pa, pero lalo kung ikinagulat ay nakaupo yung lalaki sa single couch na nakalutang.

"Okay... " napalaki ang mata ko at napalayo sa pinto ng makita nung lalaki yung mata ko, at siguro narinig niya ako.


"Anong nakita mo? " bulong ni Ross sa likod ko at sisilip din sana siya ng biglang gumalaw yung door knob kaya nagkatinginan kami.


Hihilahin na sana niya ako para tumakbo nang biglang bumukas yung pinto at bumungad sa amin yung lalaki.


"Who are you? " seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin.


Nakita ko yung loob dahil may space sa gilid niya at nasa ayos naman ang lahat. Paano yun nangyari ng walang ingay?


"I said, who are you? " pag-uulit niya.

"Ahh ano—Aaw! " napatingin agad ako kay Ross na tumalsik na lang bigla sa wall.


"Ross! " lalapitan ko sana siya pero nagstuck ako sa pwesto ko at hirap kong igalaw yung paa ko.


Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon