CHAPTER THIRTY ONE

2.5K 77 2
                                    

Pagpasok namin sa loob ng cubicle ay tumambad lang sa amin ang isang toilet bowl , bukod don ay wala na.


"Saan sila napunta? " tanong ko habang pinag-aaralan yung paligid.

"May entrance dito. " nagcross arm siya at pinagmamasdang mabuti ang kaharap na wall, yung wall sa likod ng toilet.


Inilapat ko yung kamay ko dun sa wall at may nararamdaman akong beat sa loob non like Dug! Dug! Dug! Idinikit ko naman yung left side ng ulo ko sa wall at may naririnig akong mga boses pero mahina lang.


"Halika dito. " napatingin naman sa akin si Throy at lumapit pero biglang gumalaw yung wall at hinatak niya ako palayo. Nagslide yung wall papunta sa left at kung hindi ako hinatak ni Throy ay siguradong sumubsob yung mukha ko sa baba.


Madilim yung pinakang entrance pero pumasok pa rin kami at sumara ng kusa yung wall at bumalik sa ayos, at biglang lumiwanag. Maraming tao dito sa loob at halos hindi na ako makahinga dahil sa init. Maiingay sila at parang nagchichikahan lang ng kung anu-ano pero natahimik sila bigla ng ilang sandali.

"Let's get out of here. " bulong ni Throy at feel ko na may nararamdaman rin siyang hindi maganda dito.


"Wait. " itinapat ko ng konti yung left hand ko sa kanya.

"Lord Iapetus! " lumuhod silang lahat habang nakatungo ang mga ulo.


Does it mean lahat ng nandito ngayon mga half-blood? Really? Ang dami nila. Hindi ko mabilang kung ilan dahil sa dami. At hindi ko makita si Iapetus. That Titan... If I'm not wrong, he's one of Cronus's brothers. Anong ginagawa niya dito? At bakit parang pinaglilingkuran siya ng mga half-blood? Eer. This is bad.

"The heck. " bulong ni Throy.

Hinawakan niya ako sa kamay at feeling ko'y gusto na niya akong hatakin paalis.

"Kailangan na nating umalis. " bulong niya.

"We need to find out what's going on. " bulong ko.

"Kapag nagtagal pa tayo dito siguradong—" hinatak ko agad siya papunta dun sa wall na nagbukas nung sumandal ako at nakalabas na kami ng cubicle.

Geez! Nakita ko si Iapetus. And yes, he's one of the Titans.


"Teka... " nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Let's go. " hinatak ko siya palabas ng comfort room at tinakbo na namin yung kinaroroonan nina Ross.

"Kailangan na nating umalis. " napatingin naman silang lahat sa akin at kumunot ang mga noo nila.

"Hey, bakit ba—"

"Mamaya na lang ako magpapaliwanag. Basta kailangan na nating umalis." naging seryoso yung boses ko at agad naman silang nagsitayuan at mabilis na kumilos paalis dito sa Holland Bloom.

---

Pagdating namin sa bahay ni Throy ay agad na nagkaroon ng pagtitipon sa sala.

"May...problema ba? " tanong ni Ross.

"Ang bobo mo, malamang meron... Kita mo naman di ba? Hindi siya mapalagay—"

"Ikaw bang kinakausap ko? " tiningnan niya ng masama si Freyr.


"Ross. Freyr. " napatingin sila sa akin at tumungo na lang. Hayss. Kailan ko ba sila hindi makikitang nag-tatalo?



"Si Iapetus. " napatingin silang lahat sa akin at parang may takot akong nakikita sa mga mata nila. "Mukhang hawak niya ang maraming mga demigod. "

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now