CHAPTER ONE

9.5K 224 1
                                    

Lagi akong umuupo sa trono ng aking ama na parang may laging hinihintay. Lagi akong malungkot at tulala. Hindi alam kung anong dapat na gawin.

"Hindi ba ako pwedeng lumabas dito? " tanong ko habang binabaybay ang pader.


Tumingin sa akin si Cerberus at umungol, na ang pagkakaintindi ko ay, may tamang oras para don, maaari daw akong makalabas dito sa Underworld kapag ipinahintulot na nang Haring si Zeus.


"Ngunit ang sabi mo, patay na siya?" kunot noo kong tanong

Umungol ulit siya.

Sabi niya, patay na nga siya pero ang simbolo niya ay hindi mawawala.

Si Cerberus nga pala ang alaga ng aking ama, aso siya na may tatlong ulo. At ewan ko ba kung bakit nakakausap ko siya. Isa lang siyang abnormal na aso o di kaya ay mutant , pero ewan ko ba at naiintindihan ko ang bawat ungol niya. Para sa akin paraan yun ng pakikipagusap niya.


Ilang taon na rin ang lumipas at nababagot na ako dito sa Underworld, lagi na lang akong kinikwentuhan ni Cerberus tungkol sa 12 great Olympians at tungkol na din sa mga magulang ko. Halos nakakarindi na rin kasi paulit ulit na lang yung kwento niya, at ni isang salita ay walang nababago ganun din ang ungol niya.


Sa paglalakad ko ng paikot ikot lang, may isang Agila akong nakitang palipad lipad at nakatingin sa akin ang mga mata niyang nagliliwanag sa dilim. Alam kong may ibig sabihin yon pero hindi ko maisip kung ano.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang malakas na tinig niya at napatakip ako ng tenga dahil sa nakakabingi. Pagkatapos noon, bigla na lang siyang naglaho.


Napatingin ako kay Cerberus na nakatingin din sa akin. Umalis siya at sinundan ko naman. Para kasing may gusto siyang ipakita o di kaya naman ay may importante siyang sasabihin.


"Cerberus, sandali! " habol ko sa kanya.


Tumigil siya sa isang pader saka hinampas ng buntot niya at nagulat ako nang bigla itong maging lagusan.

Tumingin siya sa akin at umungol.

Sabi niya, oras na daw para umalis ako ng Underworld para gawin ang misyon. Hindi daw siya makakasama kasi mamamatay daw siya sa labas. Pwede daw akong bumalik dito sa Underworld anumang oras, kaya lang pagbumalik ako, hindi na daw ako makakalabas pa KAHIT NA KAILAN.


Sa wakas, makikita ko na ang labas. May pagkahalong tuwa pero pag-aalala ang nararamdaman ko syempre, at bago ako pumasok sa lagusan, nilingon ko muna siya, hanggang sa napansin kong may tumulong luha sa mata niya.

Aba at ang aso, marunong magdrama!

"Cerberus, hindi pa ako mamamatay. Magkikita pa naman tayo eh. Babalik din ako dito. " ipinatong ko nang saglit ang kamay ko sa gitnang ulo niya saka pumasok sa lagusan


*******

Mainit at nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin. Naramdaman ko ang init sa buo kong katawan. At parang nanibago din ang mata ko kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito kaliwanag. Hindi tulad sa underworld na tanging liwanag lang mula sa mga sulo (torch) ang nakikita kong liwanag. Itinapat ko pa ang kamay ko sa liwanag na nanggagaling sa taas at tiningnan yun. Nakakabulag ang liwanag na yun pero di naaalis sa akin ang konting pagkamangha kahit bahagyang nagdilim ang paningin ko sa matagal na pagtitig.


Naglakad ako at may napansin akong lumilipad sa paligid. Nanghuli ako ng isa at tiningnan ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong insekto, kulay asul at may magandang pakpak.

Insekto nga ba ito?

Mayamaya lang ay bigla itong naagnas sa kamay ko, at sa takot ko ay ipinagpag ko ang kamay ko.

Nagsimula ulit akong maglakad at may napansin naman akong nakalawit sa isang punong kahoy. Isang bilog na kulay dilaw.

Ano kaya ito?

Walang ganito sa underworld. Isusubo ko na sana ang bungang napitas ko nang bigla itong mabulok at nakita kong may maliit na gumagalaw dito kaya ibinato ko yon saka nagpunas ng kamay.


Muli akong nagtingin tingin sa paligid pero naagaw ng atensyon ko ang biglang humigit sa dulo ng damit ko kaya umupo ako para hawakan ang hayop na yon.



Kahawig niya si Cerberus kaya lang ay iisa ang ulo niya. Hinawakan ko naman siya sa ulo tulad ng ginagawa ko kay Cerberus dahil mukha siyang maamo pero ilang sandali lang ay naagnas na lang ang hayop kaya natumba ako sa takot.

Anong nangyayari? Bakit lahat ng nahahawakan kong may buhay, nabubulok at naaagnas?

Hindi 'to pwede!

Pero nagtaka ako kung bakit hindi namatay si Cerberus nung hawakan ko siya? Anong meron!?

"Sino kang demonyo ka?! " sigaw ng isang lalaking may hawak na sibat at natutok sa akin.

Napatingin ako sa likod ko dahil baka may iba pa siyang tinutukoy, saka humarap ulit sa kanya. "Ako ba ang tinutukoy mo? " turo ko pa sa sarili ko

"At sino pa sa tingin mo?! " sigaw niya "Anong klaseng nilalang ka?! Saan ka galing?! Anong ginawa mo sa alaga ko?! Anong ginawa mo sa aso ko?! " sunod-sunod niyang tanong habang nangingilig ang kamay at nangangatog ang tuhod.

Bakit ganito ang taong ito? Dapat ko bang sabihin sa kanya na ako si Crixpien na galing sa Underworld? At naparito para sa isang misyon?

Hindi! Hindi! Hindi ko pwedeng sabihin yun.

"Pwede bang ibaba mo yang armas mo? Hindi ako masama. " kumbinse ko habang dahan-dahang tumatayo

"Anong ginawa mo sa alaga ko?! " tanong ulit niya.

"Hinawakan ko lang siya tapos—"

"Sinungaling! Kampon ka ng kasamaan!! " sigaw niya sa akin at nang mapatingin ako sa binti niya ay may tumulong tubig "Diyablo!! " nataranta siyang tumakbo palayo sa akin pero nadapa siya at agad namang bumangon saka ipinagpatuloy ang pagtakbo na hindi maintindihan kung liliko ba o didiretso ang direksyon "AAAAGGH!!! " nagsisisigaw siya na parang may humahabol at papatay sa kanya habang nakataas ang dalawang kamay.

Napasapo na lang ako sa noo at hindi makapaniwala sa nangyari.

Natakot sa akin ang taong yun? Oo, kaya nga sya tumakbo di ba? Pero ang hindi ko lang matanggap ay tinawag niya akong diyablo.

Bakit ba kasi sa dinami dami ng kapangyarihang pwedeng ipagkaloob sa akin bakit yun pa?! Nakakainis. At ewan ko ha, pero hindi ako dun natutuwa.



******

Crixpien And The Last OlympianKde žijí příběhy. Začni objevovat