CHAPTER FOUR

5.5K 166 2
                                    

Sa tagal ng paglalakad ko, parang isang buwan nga ang lumipas bago ako makarating sa sunod na bayan. Ilang beses din kasing sumikat ang araw at buwan.

Oo. Sumikat ang buwan.

At yun. Nandito na ako.

Mas malawak at malaki ang lugar na 'to kaysa sa unang bayan na narating ko. Maraming malalaki at matataas na gusali. Siguro ito na yung tinatawag na Siyudad.

Maraming tao akong nakikita at halos lahat sila kaparehas ng suot ko, kulay nga lang ang pinagkaiba. Ang buhok nila iba iba din ang kulay. At marami din akong nakikitang bagay na kung ano na umaandar.

Haaayst. Mga sasakyang nakakarindi ang mga tunog.

Muntik ko na malimutan yung mga tinuro sa akin ni tanda.

Inikot ko yung paningin ko sa paligid, hanggang sa may makita akong isang napakataas ay napakalaking tore.

Nakita ko na ito sa larawan na nasa bahay ni tanda ,kaya lang...nalimutan ko na kung ano.

PEEEEP !!!!!


"Hoy! Magpapakamatay ka ba? Umalis ka nga diyan !?" isang lalaki ang nagsalita mula sa bintana ng sasakyan.

Bwisit. Nandito na pala ako sa gitna ng kalsada, at hindi ko man lang napansin. Hindi ko alam kung saan ako dadaan kasi naman ang daming sasakyan.

Ilang sandali pa ay marami ng nagkabanggaan at nagkainitan dahil sa nangyari... Oh...dahil pala sa akin.

Binilisan ko ng lakad hanggang sa nakatawid na ako.

Sana naman walang makapansin sa akin.

Nang makalampas na ako at makalayo. Nakahinga na naman ako ng maluwag. Haay!

"Girl, AHAHA ! Nakita mo ba yung reaksyon nung classmate natin?" pagtatawa ng isang babae habang kausap yung kasama niya

"AHAHAHA! " tawa niya "Nakakatawa!"

Tumigil sila sa pagtawa nang makita nila akong nakatingin sa kanila.


"Ano tinitingin-tingin mo?" biglang tanong nung isa sabay taas ng kilay.


Hindi naman ako umimik at nakatingin lang.

"Haleer! Bingi ka ba?" sabi naman nung isa na nagtaas din ng kilay.

Aba! Itong mga hinayupak na 'to kung makapagtaray...kala mo maganda?!

"Oops. I think, bago lang siya dito." sabi nung 'unang hinayupak' na umiikot pa habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Wala akong pake kung bago lang siya." sabi nung 'pangalawang hinayupak'.

"Oh, Sally... Let's go. Mali-late tayo sa party. Yaan mo na lang siya."

Oh, Sally pala pangalan nito. Akala ko habang buhay ko na silang tatawaging 'hinayupak'.

"Hindi... ikaw tinatanong kita. Bakit hindi ka sumagot?" tanong nung Sally.

"Problema ba yun kung ayaw ko? Wag ka nga magyabang na akala mo sayo ang lugar na 'to."


"Tss. Saang lupalop ka ba nanggaling at parang lalaban ka?."

"Sa Underworld. At oo lalaban ako sayo. Kung tutuusin, para ka lang asong gubat na ubod ng yabang na kapag nahawakan ko maaagnas at mabubulok. Ang dapat sayo, lisanin na ang mundong ito at mapunta sa Underworld para may makain ang aso kong may tatlong ulo...ilang dekada na rin siyang gutom. " seryosong sabi ko.

"Baliw ka pala eh."

"Girl, mukhang seryoso siya." narinig kong sabi nung kasama niya "Let's go. Natatakot na ako."

Ilang sandali pa ay tumakbo na ito at iniiwan si Sally. Muntik na akong matawa nang makita ko siyang nadapa at agad namang tumayo at tumakbo ulit na paika-ika.


"Tss. Sa tingin mo matatakot ako sayo?!"

Susuntukin na sana niya ako pero bigla kong nahawakan ang kamay niya.

"Oras na para magpaalam sa mundong ito... Sally." ngumisi ako at tatanggalin ko na sana yung gloves gamit ang bibig ko nang biglang may pumito.

"Hoy! Anong nangyayari dito?" tanong ng isang lalaki na lumabas sa isang sasakyan na may nakasulat na Sheriff.

Binitiwan ko yung babae at hindi na tinuloy yung gagawin ko.

"Sheriff... Hu! Hu! Hu! Pinagbabantaan po ng baliw na 'to ang buhay ko." drama ni Sally.


"Hoy! Wag ka ngang magdrama diyan, hindi bagay sayo!" naiinis kong tingin sa kanya.


"Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa police station?!"

"Ayoko po. Siya na lang po." turo niya sa akin "Mukhang may sira po ata yan sa pag-iisip eh. Hu! Hu!"

"Umuwi ka na." sabi niya kay Sally. Tumingin naman sa akin yung sheriff. "At ikaw, sumama ka sa akin."


Napansin kong ngumiti yung Sally.

Magkikita pa tayo Sally.

Papatayin kita.


Umalis na din siya at pakendeng kendeng sa paglakad.

Nakakapang-init ng ulo ang babaeng yun!

Pinasakay naman ako nung sheriff sa sasakyan niya at ako'y kunot noong pumasok doon.

****


Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon