CHAPTER FOURTEEN

3.7K 100 3
                                    

"Nagsimula ang lahat sa matinding labanan nina Hades at Ares, ayaw niyang pumayag na lisanin ang mundo at manatili muna sa Underworld kahit na sa loob lamang ng maikling panahon para sa kabutihan ng mga tao... "

"Kabutihan? " kunot noo kong tanong

"Sa tuwing lumalabas siya ng Underworld lumalaganap ang sakit, kasamaan, kahirapan, at kamatayan dito sa mundo. Maraming nangyayaring hindi maganda... At hindi yun natiis ni Zeus kaya binigyan niya ng tungkulin ang bawat demigod na pangalagaan ang mga tao. Nakipagtulungan kami sa kanila kasi sa tingin namin, yun ang makabubuti... Pero dahil din dun, gumulo ang lahat. " huminga siya ng malalim saka tinungo ang bintana at hinawi ang kurtina dahilan para pumasok ang nakasisilaw na sikat ng araw.

"Nagalit si Hades kay Zeus dahil nalaman niyang nakikipagtulungan siya sa aming mga demigod. Hindi ko alam kung bakit simula sa simula ay hindi kami tanggap ng yong Ama... Hinarap niya pa kami at sinabi na hindi kailangan ng mga Olympian o kahit na sinong mga gods ang tulong ng mga tulad naming demigod... Tinawag lamang daw kami ni Zeus sa pagaakalang makakatulong kami pero wala daw naman pala kaming kwenta. Ibinaba nila kami dito sa mundo dahil kalahati daw sa pagkatao namin ay tao at nararapat na makisama kami sa mga tao. Kalimutan raw muna namin ang pagiging demigod at mamuhay tulad ng isang normal na tao, pero alam naman nila na hindi namin yun magagawa dahil natural na hindi kami normal ...pero pinilit pa rin nila kami. Kahit mahirap sinubukan pa rin namin, kahit hindi namin kaya sige pa din, dahil ayaw naming masira ang ugnayan sa kanila... Nakarating na lang sa amin ang balita na maraming demigod ang pinatay ng ilan sa mga Olympian. Wala akong ibang idea kung sino pumatay sa kanila kundi si Hades... Maliban sa kanya wala na. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa kaming patayin kahit sinusunod naman namin ang gusto nila. " bumuntong hininga siya at parang wala ng lakas sa pagkwento ng mga nangyari pa.

Sa mga naririnig ko sa kanya feeling ko lumalayo ang loob ko sa aking ama.

"...patay na din sana kami ngayon, pero lumaban kami sa kanya. Hindi ko alam kung anong masama sa ipagtanggol ang aming sarili pero simula nun... Pati si Zeus hindi na sa amin nakipagugnayan... At kahit anino niya ay hindi namin nakita. Nung mamatay sila...maraming demigod rin ang namatay, hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa ang pagiging half god nila ay nakakonekta sa iba sa mga Olympian." napayuko ko siya.


"Anong ibig mong sabihing nakakonekta?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko siya maintindihan.

"Gawin nating halimbawa ang mga isda sa dagat. Anong mangyayari sa mga isda kung ang dagat ay mawala?"

"Syempre mamamatay. " nakahalumbabang kong sagot habang nakatingin sa likod niya.


Tumango siya. "Ang mga isda ay ang mga demigod at ang dagat ay ang Olympian. Lahat ng konektado sa dagat ay mamamatay. Tulad ng nangyari sa ibang mga demigod. "

"You mean... Kung sino ang mga kadugo nila ang madadamay? " tumango ulit siya.

"Lahat ng mga naging anak lang nila sa mga tao. "

"Eh ano yung mga natira? " lumayo siya sa bintana at pumunta sa kusina

"Mga naging anak ng ibang Gods and Goddesses sa mga tao. "

TOK! TOK! TOK!

Napatigil kami ng may kumatok.

Lumapit siya sa akin at inabot ang tinimpla niyang hot chocolate daw, saka niya binuksan ang pinto. Nakatingin lang naman ako sa direksyon niya.

Biglang may pumasok na babae at nagkatinginan kami. Nakasuot siya ng knee-high dark dress coat, garnished with fur trimmings around  her sleeve cuffs and neck. Dark brown ang kanyang wavy na buhok na nakaponytail.

Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon