CHAPTER SEVENTEEN

3.1K 88 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang may marinig akong footsteps sa labas kaya nagising ako. Pinapakiramdaman ko yung paligid ng may narinig ulit ako. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas. Halos baga na lang ang natira sa bonfire tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag.

Nagmasid masid muna ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang tao. May natitira pa namang ilang kahoy malapit sa bonfire kaya inilagay ko ito sa gitna at nagkaroon ulit ng apoy kaya nagdarang ako para mabawasan yung panlalamig ko. Napatigil ako ng may marinig akong tumakbo sa di kalayuan kaya napatingin ako sa direksyon na yun, pero wala din akong nakita.

Babalik na sana ako sa loob ng tent nang may marinig ulit akong tumakbo kasabay ang pagtawa ng isang babae. Maliit lang yung tawa niya pero dinig ko, kaya nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa may napansin akong tumakbo sa di kalayuan kaya tumakbo din ako sa direksyon niya. Lakad at takbo ang ginawa ko hanggang sa hindi ko na matanaw yung bonfire at mga tent namin. Mukhang napalayo na ata ako. Tumago ako sa likod ng isang puno nang may marinig ako, sinisilip ko sila pero wala akong makita kaya pinakinggan ko na lang yung boses nila.

"Nakita mo ba siya? " tanong niya sabay tawa. Yung tawa niya parang kinikilig na may kahalong masaya eh kaya hindi nakakainis pakinggan.

"Nakita ka ba niya? " sumagot ata yung kasama niya pero sayang at hindi ko narinig yung boses. Sino ba yung pinaguusapan nila?

"Sabi ko sa'yo eh. " ano ba naman yan. Sumagot ulit yung kausap niya pero wala akong narinig na nagsalita. Parang narinig ko na yung boses niya. Kanino ngang boses yun ah? Sino nga yung narinig kong ganun ang boses? Sino—teka... Hindi kaya siya yun? Pero anong ginagawa niya dito ng ganitong oras ng gabi?

"Hannah?" lumabas ako sa pagkakatago at tinawag ko siya. "Hannah, nandiyan ka ba? " nawala yung boses na kanina ko lang narinig at parang tumahimik bigla.


Naramdaman ko ang paghampas ng malakas na hangin sa mukha ko kaya kinilabutan ako sa lamig. Lumakad na ulit ako para makabalik sa tent namin nang biglang may sumulpot sa harap ko kaya imbis na sumigaw sa gulat, napahawak na lang ako sa dibdib ko at natulala.

"Sino ka? At Anong ginagawa mo dito? "

"May nakita akong tumakbo papunta dito kaya sinundan ko siya pero... siguro guni-guni ko lang yun. Sige mauna na ako. " lalakad na ulit sana ako pero bigla siyang humarang sa harap ko at parang bigla akong may kakaibang naramdaman.

"Sino ka? Dayuhan ka ba? "

"... Crixpien. " tumango ako "Kasama ako sa mga nagmemedical mission sa lugar na 'to. " Hindi ko alam kung Bakit ngayon lang pumasok sa isip ko na bakit ako nakikipagusap sa taong ito na bigla na lang sumulpot sa harap ko .

"T-teka... Ikaw sino ka ba? At bakit ka nandito? " tumingin ako sa mukha niya at ngayon ko lang napansin na may suot siyang salamin na dark ang kulay kaya hindi ko makita yung mata niya. Nagreflect sa salamin niya yung buwan ... Pero bakit siya may suot na salamin eh madilim? Nakikita pa ba niya talaga ako?

"Freyr. Napansin ko ang pagpasok mo sa teritoryo ko kaya hinarap kita. "

Napansin? Ako lang? Eh may nauna kaya sa akin dito.

"Ganun ba... Pasensiya. " lumakad na ako at naiwan na siya dun.

"San ka galing? " nagulat ako sa bigla bigla niyang tanong.

"Sa labas lang. " bumalik na ako sa higaan ko at nahiga.

"12:30 ng hating gabi galing ka sa labas? " tumingin pa siya sa suot niyang relo.

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now