CHAPTER TWENTY

2.7K 75 1
                                    

"Ross! " tawag ni Jillian pagkakita sa amin "Sino siya? " tumingin siya kay Freyr.

"Si Freyr, malayo naming kamag-anak." alam kong hindi sasagutin ni Ross ang tanong niya kaya ako na lang ang sumagot.


"Malayong kamag-anak na naman? " bulong niya. Tumingin naman siya ulit kay Ross at napansin niya yung maliit na sugat sa gilid ng labi nito. "Anong nangyari diyan? " napahawak naman si Ross sa labi niya matapos mapansin ni Jillian.


"Ahh. Wala 'to. "

Pumwesto na kami sa paligid ng bonfire na ginawa nila at nagsimulang kumain. Hindi naman maalis ang tingin nila kay Freyr dahil nga sa nakasalamin pa rin ito at nagkakatinginan na lang.

"Why do you still wear that? " tanong ni Betty kay Freyr na nakaturo sa salamin niya.

Napatingin naman ako kay Freyr dahil tahimik lang siya.

"Hello? Naririnig mo ba ako? " tanong ulit ni Betty.

"Betty. " saway ni Ross.

"S-sorry. I was just asking why—"

"It's his style. " tumingin lang silang lahat kay Ross at Freyr saka nagpatuloy sa pagkain.


Hanggang sa matapos na kaming kumain ay nakatingin pa rin silang lahat kay Freyr na sa tingin ko ay medyo naiinis na rin dahil sa dami ng matang nakatingin sa kanya.


Agad akong pumasok sa tent namin at hinanap yung sanga na itinago ko.

"Anong hinahanap mo? " tanong ni Ross na hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya.

"Ahh.. Yung sanga na nakabalot sa maliit at manipis na tela. Nakita mo ba? " tanong ko habang patuloy sa paghahanap.


"Ito ba? " napatingin naman ako sa kanya at nakita ko yung hawak niya na nababalutan ng tela.

"Yan nga. " lumapit ako sa kanya at kukuhanin pero bigla niyang inilayo "Ibigay mo nga sakin yan. " kukunin ko na sana pero inilayo ulit niya "Ross, ano ba? " tiningnan ko siya.

"San mo nakuha 'to? " tanong niya na nakatingin din sa akin.


"Bigay nga sabi sa akin ni Hannah. " kukunin ko ulit sana pero itinago niya sa likod niya.

"Sino yung Hannah? "

"Yung bata nga na nakilala ko. Sinabi ko na sayo yun di ba? "

"San niya nakuha 'to? "

"Hindi ko alam. Itatanong ko nga sa kanya pag nagkita ulit kami. Kaya ibigay mo na sa akin yan. " pumunta ako sa likod niya para kunin pero inalayo ulit niya.

"Hindi mo ba ibibigay sa akin yan? "

"Kunin mo—Aaw! " nakuha ko din sa kanya at napahawak siya sa ulo niya na sinapak ko "Ang sakit nun ah. " saka ko itinabi ko sa bulsa ng jacket ko.

"Uy, Freyr! " napatingin ako sa bungad ng tent at tumalikod si Freyr.

"Hayy naku. " inis na bulong ni Ross.


"Freyr, pumasok ka na sa loob. " nilapitan ko siya at hinila papasok.

"San siya matutulog? " tanong ni Ross.

"Katabi mo. " napakunot naman ang noo niya at tumingin sa akin .

"Hindi kami kasya. Pangsingle lang 'to oh. "turo niya sa higaan niya.


Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon