CHAPTER FIVE

5.1K 155 1
                                    

Nakasilip lang naman ako sa bintana ng sasakyan at pinagiisipan ko kung dapat ko na bang patayin ang taong 'to.

"Ms. ano nga palang pangalan mo?" tanong nung sheriff pero hindi ako tumitingin sa kanya.

"Crixpien."

"...your name sounds great." ngiti niya.

'Paenglish english pa. Kala mo astig?'

"Ako nga pala si Paul."

Nagtatanong ba ako?

Narinig niya nagtanong ako?

Napatingin ako sa kanya pero inalis ko din. Kasi malay mo baka kapangyarihan ko din yung kapag tinitigan ko lang patay na. Eh di namatay pa siya? Eh di lagot ako sa taong bayan? Eh pano na yung misyon ko?Eh di lagot ako?

At isa pa, ayoko ring magkaroon ng rason para hindi siya patayin. Hindi ko lang alam kung kelan.

Siguro kung nakakapagusap pa kami ni Cerberus, magagalit na yun kasi hindi pa ako pumapaslang para may makain siya.

Sana naman hindi siya mabaliw sa underworld. Kasi alam niyo na, ilang dekada na siyang nalipasan ng gutom at lalo na ngayon na malungkot siya dahil sa pag-alis ko. Sana hindi pasukin ng hangin yung ulo niya.

"May ibig sabihin ba yung pangalan mo?...kasi ako ... Yung ibig sabihin ng pangalan ko... Macho at gwapito ." dagdag pa niya

Napaubo naman ako sa sinabi niya.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Di ba dapat ako yung nagtatanong kung okay lang ba siya?

"Aahh... Oo... Okay lang naman ako."

*****

Eto na ata yung sinasabi ni sheriff na police station.

Walang tao dito sa estasyon liban sa aming dalawa.

"Bago ka lang ba dito?" tanong niya

"Oo, bago lang ako."

"San ka ba galing?"

"Sa malayong lupain."

"Saan yon?" tanong niya.

"Sa malayong lugar. "

"Nagpapatawa ka ba?" tanong niya na nakakunot ang noo.

"Eh bakit di ka tumawa kung nagpapatawa ako?" inis kong tanong.

Hinampas niya yung lamesa. "Ms. tinatanong kita ng ayos."

"Bakit? Hindi ba ayos ang sagot ko? Sinabi ko na sayo galing ako sa malayong lugar." naiinis ko ng sagot.

"Ano ngang lugar yon?Saan siya matatagpuan? Sa silangan ba ? Sa kanluran? Sa hilaga? Sa timog?"

"Aba! Ewan ko! Basta malayo tapos."

"Alam mo ba kung anong lugar 'tong pinuntahan mo?" seryoso niyang tanong pero may pagtataka sa mukha niya.

"Hindi." sagot ko

"Ms. Ganda, nasa-"

"Oo na. Alam ko na." putol ko sa pagsasalita niya saka ako tumayo at pinagmasdan ang buong lugar.

"Hindi mo ba alam ang mga patakaran dito?" tanong niya habang nakasunod sa akin.

"Wala akong pakialam sa mga patakaran na yan. Tsaka wag mo ng sabihin sa akin kung ano yung mga yun dahil hindi naman ako interesado." napatigil bigla ako sa mga larawang nakita ko "T-teka... Larawan ba ito ng 12 great olympians?" tanong ko habang pinagmamasdan yung mga larawan

"Oo."

"Bakit meron ka nito?" agad kong tanong.


"Ah... Wala... Pag nagkataon lang naman na makita ko sila, huhulihin ko at saka ikukulong." mayabang niyang sagot na kinainisan ko.

"Ano?"

"Uy! Bakit ka ba nagagalit? Hindi naman mangyayari yun kasi wala na yang mga bwisit na yan."

Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Uy! Ano ba? Biro lang!" pagtatawa niya kahit di naman ako natatawa "Ang totoo..." lumapit siya sa pader kung saan nakadikit ang mga larawan saka niyakap ito habang nakapikit.

"...iniidolo ko sila ! Wish ko nga makita ko ang isa sa kanila eh! Para naman makapagpa-autograph ako! At makapag-Selfie! You know... selfie-"

Hindi pa natatapos yung sinasabi niya, umalis na ako ng station at iniwan siyang nagsasalita mag-isa, at para siyang baliw. Hindi ko akalaing may umiidolo pala sa mga olympians.

Matagal ng patay ang 12 great olympians kaya hindi na sila umiiral sa mundo. Isa pa, wala na din silang alam kung ano nangyayari ngayon.


********

Crixpien And The Last OlympianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon