CHAPTER TWENTY THREE

2.7K 87 10
                                    

"Nakapag-usap na ba kayo ni Jillian? " tanong ko saka naupo sa couch.

"Yes. Why? " umiling Namn ako.

Pumunta ako sa kwarto at naiwan ko yung dalawa sa dining table na kumakain. Nagtanggal ako ng jacket at isinampay sa likod ng pinto. Medyo nakakaramdam na ako ng init ngayon unlike before. Inalis ko din yung gloves ko at ipinatong sa kama. Nakakapanibago pala kapag hindi ko siya suot.


May narinig akong ingay sa kusina kaya agad akong lumabas. Magkalapit si Ross at Freyr sa isa't-isa habang mahigpit na nakahawak sa kanilang mga kwelyo, at magkalapit ang mukha nila na matalim ang mga tingin.


"Maghiwalay nga kayo! "


"Umayos ka. " bulong ni Ross kay Freyr.


"Ikaw ang umayos. " pagbabalik naman ni Freyr na inayos ang sarili.


"Hindi ba kayo titigil? " lumapit ako sa kanila kaya nagtulakan sila palayo.


"Ano bang problema niyo? " tinuro ko sila isa-isa at napansin ko ang paglayo ni Ross sa akin na nakatingin sa kamay ko habang si Freyr ay medyo umaatras na din.


"Ross! " nanggigigil kong sigaw sa kanya at medyo nangingilig yung kamay niyang itinuro yung kamay ko.


"Y-yung...k-kamay...mo... Hehe. " napatingin naman ako sa kamay ko at naalala ko namang wala nga pala akong suot na gloves.

Oops.

Ibinaba ko yung kamay ko at itinago sa likod, kaya medyo nakahinga yung dalawa ng ayos.


"Mapapatay mo kami eh." reklamo ni Ross.

"Ano ba kasing ginagawa niyo? " bumalik ako sa kwarto at isinuot yung gloves ko, kailangan ko talagang mag-ingat sa pag-alis nito dahil kung hindi makakapatay ako ng wala sa oras.


Agad din akong bumalik sa kusina at nakaposisyon naman yung dalawa na magsusuntukan. Ano bang problema ng dalawang ito?


"Ako mismong susuntok sa inyo kapag hindi pa kayo naghiwalay."

"Siya kasi eh. " sabi ni Freyr na lumayo na.


"Kasalanan mo. " sabi naman ni Ross na masama ang tingin sa kanya.


"Hindi ba talaga kayo titigil? " naiirita ko nang tanong.


"Siya kasi eh, ayaw patalo. Lagi na lang—"


"Freyr! " napatungo naman siya at tumahimik sa sigaw ko.


"Buti nga sayo. "


"Ross, isa ka pa." napatungo din siya at tumahimik.


"Kayong dalawa... Matindi ba ang galit niyo sa isa't-isa? " hindi naman sila umiimik. "Oh? Bakit ayaw niyong sumagot? "


"Si Ross lang naman ang—"

"Ako? Eh ikaw nga itong—"

Napahawak na lang ako sa ulo ko na medyo bumibigat dahil sa sagutan na naman ng dalawang ungas na ito, kaya lumabas na lang ako ng apartment.


"Teka, Crixpien! " sigaw ni Ross na sumunod sa akin.


"Tingnan mo ang ginawa mo. "

"Eh bakit ba kasi hindi ka—"



Binilisan ko na ng lakad dahil sumasakit na naman ang ulo ko sa pagsasagutan nila. Kapag hindi talaga ako nakapagtimpi masasaktan ko ang dalawang ito.


Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now