CHAPTER TWENTY FOUR

2.6K 79 4
                                    

Ayoko itong itanong sa kanya pero hindi mapalagay ang isip ko sa mga nalaman ko.

"Saan ko siya nakilala? I mean, kailan. Paano? " hindi ko inalis ang tingin sa kanya, naghihintay sa mga sagot niya.

"Nung nasa medical mission ka with Ross. "

"Nakilala mo na siya? " tumingin si Ross sa akin.

"Hindi ko matandaan. May ilan akong nakilala sa lugar na 'yon at hindi ko masabi kung sino sa kanila. " sabi ko habang inaalala yung mga taong nakilala ko doon.


Una si Hannah, yung babae na binigyan ko ng pagkain, si Mrs. Ofelia at si...Bella. Yun lang.

"Baka naman pwede mo yung idescribe sa kanya. " sabi ni Freyr na tumingin kay Victoria.

"Ang talino mo. Pano mo naisip yung sasabihin ko? " naggrin sa kanya si Ross, pero binale wala lang niya ito.

"Meron kayong similarities. " sabi niya nang nakapikit. "Yun lang ang masasabi ko. " mumulat siya at tumingin sa akin.


Similarities.

Parang may nag-sink in sa utak ko ng paulit ulitin ko yung word na yun. Hindi ko alam kung tama pero...siya lang ang naiisip ko. Si...

"Bella? " tumingin yung dalawa sa akin.


Natandaan ko yung sinabi sa akin ni Hannah nung una ko siyang makita. Napagkamalan daw niya akong yung kalaro niya dahil magkamukha raw kami.


"Naalala mo. " sabi ni Victoria na tumungo ngayon.


So, tama ako? Si Bella nga yung sinasabi niya na anak ni Persephone sa mortal?


"Kung ganun, kailangan natin siyang balikan. " sabi ni Freyr.


"No. Not now. " pigil ni Ross na may galit sa boses.

"Pero di ba—"


"Alam ba niya na siya ang dahilan kung bakit galit si Hades sa mga demigod? " tanong ko na nakatingin kay Victoria.


"No." umiling siya. "She didn't know it yet." iniangat niya ang ulo niya. "She knows nothing. "


"You mean, hindi niya rin kilala ang mga magulang niya? " tanong ni Freyr at tumango naman si Victoria bilang sagot.


"How pathetic. " nagmock siya na ikinainis ko.


"Ross!" tiningnan ko siya ng masama.


Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit dahil sa sinabi niya pero ayaw kong marinig yun.

"Bakit ka nagagalit? Di ba dapat galit ka din sa kanya dahil half sister mo siya sa mortal?! " sinamaan ko siya ng tingin. "Don't tell me tanggap mo siya as your---" naputol yung sasabihin niya nang hampasin ko ng malakas yung mesa.

"Tumahimik ka na. " madiin kong sabi habang pinipigilang ilabas yung galit ko.

Ayaw tanggapin ng utak ko yung salitang 'half sister ' dahil pakiramdam ko'y winawasak yung puso ko. Ang sakit malaman na isa pala sa mga demigod ay anak ng mother ko at malalaman kong siya ang dahilan kung bakit galit na galit si Hades sa mga demigod na dahilan para mahirapan akong gawin yung mission ko.


"Ross, iwan mo muna kami. " baling ni Victoria sa kanya. "Freyr, samahan mo siya. " tingin niya kay Freyr at tumango ito.

Tumayo naman si Ross at nagmarch palabas ng apartment kasunod si Freyr.

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now