CHAPTER THIRTY FIVE

2.3K 72 1
                                    


May twenty cabins dito sa camp half-blood. And the first 12 made a U shape with the addition of 8 more cabins and it now makes an omega shape.

Cabin 1 (Zeus)
Cabin 2 (Hera)
Cabin 3 (Poseidon)
Cabin 4 (Demeter)
Cabin 5 (Ares)
Cabin 6 (Athena)
Cabin 7 (Apollo)
Cabin 8 (Artemis)
Cabin 9 (Hephaestus)
Cabin 10 (Aphrodite)
Cabin 11 (Hermes)
Cabin 12 (Dionysus)
Cabin 13 (Hades)
Cabin 14 (Iris)
Cabin 15 (Hypnos)
Cabin 16 (Nemesis)
Cabin 17 (Nike)
Cabin 18 (Hebe)
Cabin 19 (Tyche)
Cabin 20 (Hecate)

At sa bawat cabin ay may dalawa o isang counselor na namumuno na mga cabin mates niya. Nasa kanya-kanya ng cabin ang mga campers, Si Ross nasa cabin ni Apollo, si Freyr kay Hypnos, yung apat namang babae at si Precious ay sa cabin ni Hermes kasama si Luige. Sa cabin daw ni Hermes pinapatuloy yung ibang demigod na anak ng iba pang mga minor gods na walang cabin. Si Victoria naman ay nasa cabin ni Apollo, si Throy kay Hephaestus, si Trevor naman ay nasa cabin ni Zeus. At si Bella... Tsk. Wala nga pala siya dito.

Ako? Eto at nasa harap ng bonfire. Ayoko pang pumasok sa cabin ni Hades dahil ako lang naman mag-isa.


"Crixtin, bakit hindi ka pa natutulog? " napatingin ako kay Chiron na naupo sa tabi ko (ganun sa pag-upo ng kabayo). Hindi ko na pinansin 'yong pagtawag niya sa akin ng Crixtin dahil naiinis na ako.


"Hindi ako makatulog. " dahilan ko na lang.

"Pero kailangan mo ng pahinga. " umiling ako. "May... something ba na gumugulo sa isip mo? " umiling lang ulit ako at tumingin sa kanya.


"Ito bang base niyo, narating na ng mga mortal? "

"Hindi. Invisible ito sa mga mortal kaya walang nakakaalam nito. Isa pa, mortal is not allow to camp half-blood. " tumango ako at binalik ang atensyon sa bonfire na malaki pa rin ang apoy.


"Bakit may suot kang gloves? " tanong niya kaya tiningnan ko yung gloves ko.

"Para makontrol yung kapangyarihan ko. " napansin ko ang pag-iling niya.


"Pwede mo namang makontrol 'yon. " napatingin ako sa kanya. "Isipin mo lang na hindi iepekto ang kapangyarihan mo sa bagay na gusto mong hawakan. "

"Lahat ng nahahawakan ko, nabubulok. " tumango siya.

"Alisin mo ang gloves mo. " napakunot ang noo ko sa iniuutos niya at inabot sa akin yung hawak niyang apple kanina pa.

"Pero... "

"Subukan mo lang. " tiningnan ko siya at nakatingin siya sa gloves ko kaya dahan-dahan kong inalis.

"Isipin mong hindi magiging effective ang kapangyarihan mo dito. " ibinaba niya 'yong apple sa lupa. "Subukan mo. "


Huminga ako ng malalim at dahan-dahang kinuha 'yong apple. Sana hindi siya mabulok.


"Oh di ba? " mumulat ako at nakita ko yung apple na hawak ko at tumingin kay Chiron na nakangiti sa akin. "Hindi mo na kailangang magsuot ng gloves. " tumingin siya sa apple na hawak ko at hindi pa rin ako makapaniwala na hindi siya nabulok.


"Ngayon, isipin mong mabulok yan. " napatingin ako sa kanya. "Go. " tiningnan niya yung apple at tumingin din ako dito.


Hinga ng malalim. Okay .


"Perfect. " nagsnap pa siya at nang tumingin ako sa apple ay nabulok na.


Nagawa ko?


Kinuha niya yung gloves ko at ibinato sa apoy.


"No! " babawiin ko sana sa kanya pero huli na ako.


Crixpien And The Last OlympianWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu