CHAPTER TWENTY EIGHT

2.5K 79 0
                                    

Akala ko magrarambulan yung dalawa sa harap ko dahil nakikita ko ang paglabas ng pulang usok sa ilong at tenga nila pero buti na lang at marunong magtimpi itong si Throy, dahil kung nagkataon na short tempered siya... for sure, kanina pa nagliparan lahat ng gamit dito sa loob papunta kay Ross.



Tumahimik naman si Ross kaya nagkaroon kami ng matiwasay na pag-uusap at napapayag rin namin siyang itong bahay niya ang temporary naming tirhan. Kung ako man ang nasa position ni Throy, hindi rin ako agad agad na papayag na patirhan ang bahay ko sa mga bagong kakilala pa lang kahit na ba sabihin na half blood din sila, pero I'm glad at hindi nasayang ang laway ko sa kasasagot sa ilan niyang tanong na nakakasakit sa ulo. Konti lang yung tanong niya pero halos lumuwa yung utak ko sa mata like :

'Gaano ba kahalaga ang mission mo at kailangan pa kaming mga demigod? '

'Paano kung hindi kami payag sa gusto mo? '


At yun nga ang mga tanong niya na gusto ko na lang itulog, pero buti na lang at hindi na siya humirit sa pagtanong.



Hindi naman kalakihan yung bahay niya pero may two bedrooms downstairs and three upstairs.


"Throy, 'san ako pwede matulog?" tanong ni Ross na medyo pinapaypayan na ang mata.


"Upstairs. Dun sa unang room. "


"Okay. Matutulog muna ako hah? " nagyawn siya at agad na tinungo yung hagdan.

"Bakit dito ka nakatira? " tanong ko habang nililibot yung buong bahay niya. Napakaplain ng design ng bahay at napipinturahan ito ng light blue. Maraming old abstract paintings ang nakadikit sa wall at mapapatigil ka kapag nakita mo.


"'San galing ang mga 'to? " turo ko sa mga painting.


"Ako ang gumawa niyan. "


"Di ko akalaing may demigod palang may hilig sa art. " bumalik ako sa couch na inupuan ko at nakasunod lang siya sa akin.


"Bakit nga pala magkaiba yung hair color mo?" Di ko naiwasang itanong.
Yung left side kasi ay white yung right naman ay black. Nkakapagtaka lang kasi.


"Ah. Just ah— nothing. " umiling siya.

Siguro may reason kung bakit magkaiba yun, pero bakit ayaw niyang sabihin?


May narinig kaming naglagabog sa taas kaya napatingin ako sa kisame.



"Ross? " tumingin ako kay Throy na tumayo at agad akong tumakbo sa pataas para tingnan kung anong nangyari. "Ross, are you—" napafacepalm na lang ako nang makita ko siya. 





"Ugh. Shit! " dahan-dahan siyang tumayo habang hawak yung likod niya at nahiga ulit sa kama.


Sa sobrang antok niya siguro kaya siya nalaglag sa kama. Tsk. Akala ko naman kung ano na nangyari sa kanya dito sa taas yun pala, nalaglag lang sa kama.


+++

Nagising na lang ako dahil umaalog yung kama na hinihigaan ko at parang tumatalon yung katawan ko kaya agad akong bumangon.

"Finally, gising ka na. Akala ko di ka pa magigising eh—"

"Tsk. Ano bang kailangan mo? " inis kong tanong at nahiga ulit.

"Sina Victoria dumating—" agad akong bumangon at tumingin sa kanya.

"Asan na? "

Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now