CHAPTER SEVEN

5.1K 159 6
                                    

Haayy. Kailan ko kaya sila makikita? Ang boring naman dito sa mundo ng mga tao.

"Akala mo ba matatakasan mo ako? " sabi ng isang lalaking tumabi sa akin sa paglalakad

"Tss. " Pano ako nasundan ng lalaking 'to? "Ang galing mo ah, pano mo ko nasundan?"

"Hindi na yun mahalaga. " sabi niya "Isang beses mo pa akong takasan, ikukulong na talaga kita. "

"Bakit mo ba kasi ako sinusundan? "inis kong tanong.

Tahimik lang siya.

"Salamat sa sagot. " sabi ko na lang at binilisan ko na lang ng lakad.

Mayamaya lang ay may napansin akong mga taong nagtatakbuhan. May ilang tindahan na rin na nagsasarado na.

"Anong nangyayari? " tanong ni Paul.

"Police ka di ba? Dapat alamin mo, hindi yung tutunga-tunganga ka lang diyan at pasunod sunod sa akin. "

Ilang sandali pa ay tumigil na yung mga nagtakbuhan at nagbatuhan sila ng bato, tsinelas, sapatos, bote, kawali, basurahan at kung anu-ano pa.

"WOW. " bigla akong napangiti. Remember ito ang kauna-unahang beses na napangiti ako dito sa mundo ng mga tao. "Anong meron? Ang saya naman." dagdag ko pa.

Kunot noo namang tumingin sa akin si Paul "Huh? May nangyayaring riot. Anong masaya don? "

"Eh bakit nakatunganga ka lang diyan? " nawala yung ngiti ko.

"Mag-isa lang ako. Wala akong magagawa sa kanila."

"Eh di wala kang kwentang Police ."

"Ano!? "sigaw niya sa inis.

Hindi ko na lang siya pinansin at napangiti ulit ako sa napapanood ko.

"Bakit ba parang natutuwa ka pa sa napapanuod mo?!"

"Ganyan ba sila magkatuwaan? " nakangiti ko pa ring tanong.

"Tss. Nagkakatuwaan pa talaga ang tingin mo sa kanila? "napakamot siya sa ulo. "Halika na, baka madamay pa tayo. " lumakad na siya at sumenyas na sumunod na ako.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Noong una sabi meaning daw ng pangalan niya Macho at Gwapito, tapos ngayon para akong aso na sinisenyasan niyang sumunod sa kanya!? Aba!

Lumapit ako sa basurahan na hanggang bewang ko ang taas.

Tumingin sa akin si Paul "Anong ginagawa mo? "

"Gusto ko rin makisaya. " nakangiti kong sabi.

"Sinabi na ngang hindi sila nagkakasayahan. " kumamot siya sa batok.

Binuhat ko yung basurahan at ibinato sa mga nagbabatuhan. May limang tao naman yung nasapol ko at bumagsak sila.

Napalaki ang mata ni Paul sa ginawa ko at bahagya ring bumuka ang bibig niya.

Lalo akong natuwa sa ginawa ko. Tumingin sa amin bigla yung mga nagbabatuhan. Narinig ko naman ang paglunok niya at feeling ko'y gusto na niyang kumaripas ng takbo.

Pinagbabato nila kami. Nasambot pa ni Paul yung kawali na ibinato sa kanya at itinabon sa mukha niya.

"Takbo!! " sigaw ni Paul saka hinila yung kamay ko at tumakbo kami ng mabilis. Nang makalayo na kami hindi pa rin natatapos yung sinasabi ni Paul na riot daw.


Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now