PROLOGUE

15.2K 192 27
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng final day namin sa WAR, hindi na ko nag-alangan pang mag-impake. Excited na talaga kasi akong umuwi ulit sa  bago naming bahay at humiga sa aking napakalambot na kama. Hindi man ganun kalakihan ang aming apartment, talagang kating-kati pa din talaga ko umuwi. Siguro kasi, namimiss ko na din ang mga luto ni mama. WAHHHH~~~

Ang totoo nyan, nagkaroon ng plano ang 4-B na magcelebrate at pumunta ng Nasugbu, Batangas. Syempre, humindi ako. Wala naman kasi akong pang-gastos dun. Baka nga kailangan kong pumasok sa isang summer job ngayong bakasyon eh. Para man lang may matulong ako kay mama. OH DIBA, ANG BAIT KO!

Pinilit man ako ni Clarence at ni Brent na ilibre na lang ako, hindi ako pumayag. Saka isa pa, para akong may bodyguard eh. Si TOP kasi, ayaw akong ipasama.

“Subukan mo lang talaga na sumama ng wala ako, ipapakaladkad kita sa mga tauhan ko.”, pagbabanta sakin nito ni halimaw.

(_ _***)

“Alam mo, hindi naman ako sasama eh. Saka isa pa, busy ako sa summer. Maghahanap pa ko ng trabaho.”

“Trabaho?? As in job???”, gulat na gulat na tanong nito.

“MALAMANG! In-english mo lang eh, ano ka ba!”

“No. I mean…what for? You’re a student, not an adult!”

“Ehhh…gusto kong itry na tulungan si mama. Kapag bakasyon ko kasi, lagi kaming kapos. Syempre, tataas yung kuryente at yung tubig kasi andun na ko sa bahay! Dagdag mo pa yung renta namin sa kada buwan! Yung mga utang pa namin sa tindahan! Nako.”

Para namang natameme lang siya. Hay, mayaman nga naman.

“Alam  mo, hindi mo maiintindihan. Rich kid ka eh.”, pagtatapik ko sa balikat nito.

“Tss. I can pay for you.”

O___O

HUWAT?! Hmmm….

PAY pa la ha.

“Okay.”, chill kong sabi dito.

Tinaasan naman niya ko ng kilay.

“WOW! Talagang walang hiya hiya ah? Fine. Magkano ba yun???”

Nag-smirk lang ako sa kanya. Hehe.

“Umaabot sa 10,000 ang kuryente namin buwan-buwan. Dagdag mo pa ang 3,000 naming tubig at…9, 900 para sa rent namin! Tapos yung utang namin sa tindahan, mga nakaka-7000 na ata kami dun?”

Para namang tinamaan ng itak yung puso niya sa itsura ng muka niya. Pero syempre, hindi totoo yung mga sinabi ko.

HAHA, ang lakas lakas magsabing babayaran niya, wala naman palang pambayad!

“Uhhh…are you serious?”

Tumawa naman ako ng malakas. AY NAKO, minsan  talaga ang sarap asarin nito eh.

“Grabe ka. Hindi naman ako gold digger no. WALA KANG BABAYARAN. Wala ka namang pera din eh. SA PAMILYA mo lang yang yaman mo. Tsktsk.”

Bigla naman niyang tinusok yung noo ko. AYSH!

“Stupid!”, saway nito.

“ARAY!!! Ay nako, dyan ka na nga. Dadating na si mama, aalis na ko!”, paglalabas ko ng dila sa kanya.

BLEEHH!!

Bubuksan ko na sana yung pinto palabas pero hinawakan niya ko sa kamay.

“Pupunta ko sa bahay niyo every day ah.”, seryosong paalam nito.

O___O

“ANO?!”

“Bakit? Diba nililigawan na kita???”

Tinakpan ko naman agad yung bibig niya. NAKOOO!!! ANG INGAY NAMAN NG HALIMAW NA TO!!!

“ANG DALDAL MO!!!!”, madiin kong bulong dito.

Kinunutan naman niya ko ng ulo tas tinanggal niya yung kamay ko sa bibig niya.

“BAKIT?! Ano naman kung malaman nila, ha?! PARA WALA NG MANLIGAW PA SAYO!”, sigaw nito.

-______-***

“Tsk! Basta! Baka mamaya, asarin nila tayo eh.”, mahina kong sabi.

“Yun lang? Sus. Pero nung kay Kian, okay lang sayo?”

O___O

Ayan na naman siya eh. Si Kian na naman.

-_____-

“Alam mo, muka ka ng KIAN! EWAN KO SAYO!”

Napangiti naman siya. SUS! BIPOLAR!

“Tsk. Joke lang. Akin na nga yang maleta mo, hatid na kita.

-----------------

Anyare sa bakasyon ko?

Para sa mga kinilig dyan na “everyday” daw dadalaw sakin si TOP, hindi nangyari yun.

AYOKO.

Grabe, magsawa naman siya sa muka ko!

……

…..

Pero….

Halos siya nga ang kasama ko ngayong summer. Hehe.

------------------

******* Author's Note:

HELLO MGA SCHOOL RUMBLE READERS. :) I'm really glad to finally release the sequel of SR Volume 1: Fight for the Muse! :DD

As usual, your author-nim likes to see her readers' comments SO PLEASE? Can you at least leave your thoughts about my updates? Sobrang appreciated naman lahat ng comments niyo, ako'y natutuwang basahin lahat sila. ;)

Sana eh, suportahan niyo rin ang SR Volume 2! T^T Medyo ako'y kinakabahan nga at baka walang magbasa gaya ng sa volume 1, but nevertheless, ako'y umaasa pa rin. :)

Thank you very much! <333

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now