CHAPTER 12

3.6K 68 8
                                    

O___O

TEKA….PARANG KILALA KO YUN AH???

Dahan dahan muna akong lumapit dun sa katawang nakahilata na sa sahig. Bumagsak ata yung ulo niya sa pagkakatakbo ko at mukang hirap na to gumalaw. Parang ipis na lumalaban para mabuhay.

Tinusok ko yung ulo niya.

….

….

Hindi gumalaw.

HALAAA!!!! BAKA NAPATAY KO ATA!!!!! T^T

Sinilip ko naman yung mukha niya. Parang pamilyar talaga kasi. Hmmm….

Medyo matangos yung ilong….singkit ang mata…..

O___O

HINDI AKO NAGKAKAMALI. SI CLYDE TO! SHEEETTTT!!!!

Agad-agad ko namang kinalog yung katawan niya. OMG.

“CLYDE! CLYDEEE!!!! HUY! GUMISING KA DYAN!!!!”

Pero kumukunot lang yung mga kilay niya. Whew. At least gumagalaw pa!

NAKO PO! Mukang naglasing pa ata tong si Clyde! T____T Akala ko ba hindi siya nalalasing! SUS! Jusko po, pag nahuli kami dito sigurado lagot siya! First day na first day pa naman bukas!!!

Syempre, tinry kong buhatin si Clyde.

Hindi ko kinaya.

Since malapit na naman kami sa room ko, hinila ko na lang siya ng parang bangkay. JUSMIYO patawarin mo ko Clyde. Ikaw naman kasi eh!!! Nang nakapasok na kami sa room ko, wala pang tao. Ibig sabihin, baka hindi pa ngayon lilipat ang roommate kong si Heidi. Whew. Buti na lang.

“Nako naman Clyde…anong gagawin ko sayo???”, pagkakamot ko ng ulo.

Kumuha muna ako ng towel at pinunasan ko siya. Pupunasan ko sana yung katawan niya….kaya lang….ano….hindi na lang. Pinahiga ko na lang siya dun sa kama ko at hinayaan ko siyang dito muna magpalipas ng gabi. Delikado kung mahuli kami sa labas ng lasing siya. Tsk.

--------------------------------

Nagising na lang ako ng nakaramdam ako ng stiff neck. Owww.

Medyo hindi pa ko nahihismasmasan ng tumingin ako sa relo ko at nakita ko ngang mga 2 AM pa lang ng madaling araw. Nakatulog na siguro ako kakabantay kay Clyde na tulog na tulog pa din hanggang ngayon.

Hmmm…wait nga. Naiihi naman ako.

Dali-dali naman akong tumakbo sa banyo at sinubukan ko munang iflush yung toilet kung meron nga. Ugali ko na kasi yun. Ayokong gumamit ng walang flush. Yaak.

Kaya lang, wala. UGH MALAS NAMAN. T^T Sinubukan ko din naman yung tubig sa gripo, wala din. AYSH. Baka inaayos pa lang ah? ANO BA YAN NAIIHI NA KO!!!

Sa pagkabangag bangag ko, tumakbo na lang ako palabas papuntang female restroom. Bukas naman yung ilaw sa hallway kaya okay lang. Pagkarating ko dun, patay pa yung mga ilaw kaya binuksan ko pa yung switch. Papikit-pikit pa kong naglalakad papuntang cubicle ng may parang naramdaman kong baha yung sahig.

Hala?

Kinusot ko muna yung mga mata ko at tinignan kung san nanggaling yung tubig.

……..

….

….

Akala ko nananiginip na naman ako.

Pero pagkadilat ko ulit ng mata ko, mas malala pa pala to sa ano mang panaginip.

“JO----JOA---JOANNA???!!!”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon