CHAPTER 37

2.9K 86 17
                                    

** TOP in the multimedia! :) As a fan, please do support his new movie! The Commitment! Showing na siya sa Korea, kaya if you want to see the REAL TOP acting in a film, abangan niyo na lang sa kdrama sites! ;)

Thank youuuu! <3

------------------------------------------------

TOP’s Point of View

Hindi ko tinapos yung meeting. It was just the same. Sinabi ko lang naman kung ano yung natuklasan ko and I think I’ve had enough evidence para idiin talaga tong si Josh. Natagalan lang naman yung progress ng meeting kasi wala si Joanna. That guy. Talagang pinagtatakpan pa din talaga si Josh. Jeez.

Nainis lang naman ako kasi hindi nagpakita si Josh sa meeting. The only reason I came there was because sabi niya, pupunta siya. Kung hindi nila mapapagsalita tong si Joanna, baka kaya ko pang ilabas ang katotohanan dito kay Josh.

Palabas na sana ako ng school ng may humila ng damit ko sa likod. Right then, sinuntok kagad ako sa muka. I was caught off guard na napabagsak na lang ako sa sahig.

WHAT THE….

“ASSHOLE!”

Nakita ko naman ang pagmumuka nitong si Josh na mukang pigil na pigil na suntukin pa ko. I stood up, at pinunasan ko yung dugo sa may labi ko. Shit.

“Hindi ba dapat ako ang magsabi sayo nyan?”, nanggigil kong sabi dito.

“Bakit? Sa tingin mo mababalik pa sayo yung pwesto mo? HA?”, nilakihan naman niya ko ng mata niya.

Ngumisi naman ako. Sira ulo talaga eh.

“Wala na kong pakelam dyan. Lamunin mo kung gusto mo. Ngayon, siguro ikakatuwa ko kung mapapatalsik ka dahil sa panggagago mo kay Athena.”

Uminit naman yung dugo ko ng napangiti siya. Aba, gago talaga eh!

“Athena? Hanggang ngayon, Athena pa rin?! Eh diba iniwan mo na nga? Sinong mas gago satin?”, natatawa pa niyang sagot.

“Wag mong ibahin ang usapan. At least ako, wala akong pinipisikal na tao.”

Lumapit siya sakin at hinawakan nga ko ng mahigpit sa kwelyo ko.

“BAWIIN MO YANG SINABI MO.”, nanggigil niyang pagbabanta.

“Kita mo yan. Baka nga ako, kaya mo ring paliparin sa ospital eh. Tapos siguro, tuturuan mo ko na iba ang sisihin ko. Siguro, si Athena rin ang ididiin mo no?”

Lalo siyang nagalit. This time, mas malakas na suntok yung umabot sakin.

DAMN IT. Sa ulo naman ako pinadugo ng hayop na to.

“SINO KA BA SA AKALA MO AH?! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, ANDUN PA ANG NANAY MO SA BAHAY. KUNG AYAW MONG----“

Di ko napigilan. Nilapitan ko siya at tinaas ko din yung kwelyo niya at nagkunwaring susuntukin ko siya.

“DON’T YOU EVER TOUCH MY MOTHER! Sa oras na saktan niyo ng nanay mo ang nanay ko, baka makalimutan kong pinsan kita. Naiintindihan mo?!”

Nakapikit naman yung gago, akala siguro sasaktan ko din siya. Mas wais naman ako kesa sa kanya no. Sus.

Binitawan ko na naman siya at iniwan ko na lang siya dun.

“Siya nga pala, recorded tayo ng CCTV. Panibagong ebidensya na naman sa karahasan mo, gago.”, paglilingon ko dito.

Narinig ko naman na nagsisisigaw  siya doon. Ayan kase, hindi nag-iisip. Makikita naman dun, hindi ko siya sinaktan. Siya lang ang nanakit. Dalawang beses pa. Pasalamat siya wala kami sa labas, baka mangitim ang muka niya sa pasa pag nagkataon.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now