CHAPTER 21

3.8K 69 11
                                    

*** Clyde’s Point of View ***

 “Brent, subukan mong tumingin dun sa may bandang market area. Ako na dito sa mga compounds!”, hingal na hingal kong instruction kay Brent.

“Sige sige!”

Mga maghahapon na ata at limang oras na kaming naghahanap kay Athena. Bigla na lang kasi siyang nawala habang nagkakatuwaan kami sa court kanina. Tinanong ko naman yung dalawang mokong kung nakita ba nila pero hindi daw. Syempre, I consulted the people around. Sabi nila, may nakita daw sila kaninang babae na may hinahabol. Si Athena kaya yun???

Kanina pa din ako nag-aalala. Halos hinalughog ko na ang bawat sulok dito pero there’s no sign of Athena. Ang bigat bigat kasi sa feeling na ako pa ang nag-aya sa kanya dito. I can’t take it kung may nangyari sa kanyang masama!

After a while, nagkita na ulit kami ni Brent. Nagkakamot siya ng ulo papalapit sa akin.

“So? Ano na???”

“Clyde. Nagsayang lang tayo ng panahon dito. May nakakita sa kanilang mga bata. Sinundo siya ni Kian.”

O__O

“Si Kian?”

“Oo daw. Sigurado ako na si Athena at Kian yun base sa description ng mga bata. Tsk. Hindi man lang nagsabi!!!”, pagdadabog nitong ni Brent.

Syempre, minabuti na naming bumalik.

Fine. Honestly, I was pissed off. May point si Brent. Halos ikamatay namin ang sobrang pag-aalala kay Athena tapos malaman-laman namin kanina pa pala sila nakaalis? Why didn’t she tell us? Bakit di niya kami binalikan? Hindi ba niya inisip na mag-aalala ako? Kami ni Brent??

Pagkarating namin sa WAR, gabi na. Dumiretso na naman agad ako sa building namin habang inis na inis pa rin talaga. Ugh. I was relieved, oo, na okay naman pala si Athena. Pero ayoko kasi sa feeling yung masyadong pinag-alala sa wala. Nakakawalang gana.

Papasok n asana ako ng room ko ng may tumawag sakin.

“Clyde!”

Si Jonathan?

“Uy, bakit?”, tanong ko dito.

“Buti na lang at andito ka na! Kanina ka pa hinahanap ni Miss Graciel eh.”

Ha? Ako?

Syempre, kahit na pagod na pagod ako ay pumunta pa rin ako sa office. Ano na naman kaya ang nangyari? Hindi pa ko nakakapaghanap ng bagong ebidensya eh. May nahanap na kaya sila??

Pagkarating ko doon ay nakita kong andun din si Jeff at Clarence.

“Finally. You’re here.”, pagbati sakin ni Miss Graciel.

“Bakit po? Anong….nangyari?”

“Look, I came here immediately on a Sunday evening dahil sa nangyari kanina. Clarence has dreamed something….and hinala namin na mula yun sa nangyari nung gabing yun.”

Ang totoo nyan, wala ako sa mood para pag-usapan to pero umupo na lang ako at nakinig sa kwento nitong si Clarence. Nakakapanibago nga at hindi siya makulit at parang namumugto pa ang mga mata nito.

“May mga bote? Tapos….tumatawa tayo?”, pag-aalala ko sa kwento niya.

“Oo…tapos…tapos, may tali. Hawak hawak daw namin ni Jeff….”

Naalala ko naman yung kinwento sakin ni Athena.

O___O

“Teka. May bakat ng lubid ang ankles ni Joanna. Hindi kaya….”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora