CHAPTER 16

3.6K 66 10
                                    

“Oh my gosh! Athena??? Athena, are you okay?!”

“ATHENA??? ATHENA?! HEY!”

 

Andami lang tumatawag sa pangalan ko. Buti na lang di ako masyadong nakainom ng tubig at di pa ko nawawalan ng malay. Inubo ko na ata ang baga ko sa kakaubo.

Nang medyo okay na ko, parang mas luminaw na yung mga mata at pandinig ko. Pero sa dinami-dami ng mga boses na tumatawag sa pangalan ko, iisa lang ata ang mas malakas.

“ATHENA?? HEY, ANSWER ME….”

Hindi ako nagkakamali. Ang mukang yun….ang boses na yun….

Si Kian.

“K-k-kian…?”

Agad naman niya kong niyakap kahit na basing basa siya. Sa lagay niya, mukang siya ang nagligtas sakin. Pero….pano? Kelan pa siya andito???

“Thank goodness you’re safe! Akala ko, late na ko eh!”, sabi nito.

Bigla namang lumapit yung dalawang babaeng nagtulak sakin sa pool. Gusto ko man silang pag-untugin sa pagpilit sakin, pero naka-mukasim ang mga muka nila.

“Nako, Athena! Are you okay lang ba???”

“Oo nga! We didn’t know you can’t swim eh. Saka it’s just for fun lang naman!”

Pero bago pa man ako makasagot, bigla namang tumayo si Kian at tinanggal yung suot nitong coat. Nilagay niya ito sa likod ko at pinatayo mula sa kinauupuan ko.

“Excuse me lang, ladies. She needs to go.”, sabi pa niya.

Ayun na nga. Wala na naman akong nagawa ng dinala na niya ko palabas ng swimming area. Hawak hawak pa rin niya ko sa balikat ko at eto ako, ilang na ilang at hindi alam ang sasabihin sa kanya. Medyo matagal na rin kasi siyang nawala….at noong mga panahon pang yun….gustong gusto ko pa siya.

“Do you want me to bring you to the clinic?”, tanong nito.

“Ha? Nako, hindi na. Didiretso na lang ako sa room ko.”

“I’ll get your things later sa gym. Magstay ka na lang sa room mo, okay?”

Sa tagal man ng pagkawala niya, natuwa naman ako na ganun pa rin siya. Mabait at sobrang thoughtful. Kaya ko nga siya nagustuhan nung una eh? Muka pa lang niya, heaven na.

Uhh…heaven as in….mabait kasing tignan. Oo, ganun.

“Uhm….kelan ka pa dumating?”

“Ngayon lang. I wanted to see you first kaya nagpunta ako sa gym agad. Buti na lang, I was there. Kung hindi, baka mas madami ka pang nainom na tubig.”, pagngingiti nito.

O___O

GULAY. Jusko naman Athena. Antagal-tagal na pero dalang-dala ka pa rin ng killer smile niya! NAKO POOOOOO.

“Hey!”, tawag na naman niya.

“Ay, sorry. Uhm…antagal mo rin nawala no…?”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora