CHAPTER 27

3.3K 62 9
                                    

TOP Point of View

“Did you check out ALL her things??”, paka-ilang ulit ng tanong ni mama.

“YES MA.”

Si Chelsea na late na naman, sa usapan naming pagkikita sa isang resto, ay ilang minuto lang ng bigla siyang dumating bago pa man magwala si mama dito sa sobrang inip.

“Sorry guys. Oh. Hi, Harriet.”, cold na bati nitong si Chelsea kay mama.

“Chels, ano ka ba.”, saway ko naman dito.

Nakita ko namang huminga na lang ng malalim si mama, sign na nagtitimpi lang siya ng nararamdaman niya.

“Sit down, Chelsea.”, sabi na lang ni mama.

Tumabi naman sakin si Chelsea at nilagay nito ang purse niya sa may mesa. Pagkatapos, sobrang awkward na ng tinginan nilang dalawa. -__-

“May balak ka na palang magpakasal, ni wala naman kaming nababalitaan sayo.”, pagsisimula ni mama.

Suminghal naman tong si Chelsea.

“Please, Harriet. Don’t pretend na YOU still care. Simula ng hinayaan niyo ko mag-isa, wala na kong tinuturing na nanay.”

Sinubukang hawakan ni mama ang kamay nitong si Chelsea pero nilayo niya naman agad ito.

“That is why I called you here. I was trying to be a mom----“

“MOM? Sus. Hindi ba ilang beses niyong nilayo sakin si Theo?! Ikaw mismo ang nagtutulak saking palayo! Sabihin niyo nga sakin, Gawain ba yun ng isang nanay?”, madiin namang sabat ni Chelsea.

“Ayoko lang na nag-uusap kayo ng palihim sakin! Saka pano pag nahuli kami ng lolo mo?? Alam mo naman na ayaw niyang may koneksyon pa kami sayo.”

“Bullshit! ANAK mo ko ma. Can’t you at least try to fight for me?! Hanggang ngayon pa rin ba, under pa rin kayo kay lolo?!”

I had to stop them. Hinawakan ko naman ang kamay ni Chelsea para huminahon siya pero knowing her, I know na hindi pa rin siya papatigil.

“Oo, inaamin ko. Masyadong malaki ang galit ko sayo noon kaya pumayag akong ilayo ka samin! Pero Chelsea naman, hindi mo maalis sakin ang pagiging isang ina. I still care for you!”, halos pagmamakaawa na nitong si mama.

Hindi na naman ako sa kanila makatingin ng diretso. Masyadong sensitive ang topic na to sa pamilya namin. At hanggang ngayon, hindi ako pinapatulog nito kapag naalala ko ang sikreto namin ni Chelsea. Pano pag nalaman yun ni lolo at mama?

Ako pa kaya ang magiging next heir ng buong pamilya namin?

Napansin ko na lang na parang naluluha na si Chelsea.

“Hindi. 10 years….Harriet. Ilang taon din yun nung wala akong malapitan. Pero sabi nga ni papa, wag akong papadaig sa kahit na sinong tatapak sakin. Nakayanan ko ng mag-isa…at hinding hindi na ko babalik sa pamilya niyo.”

Tumayo na naman si Chelsea bigla at nagwalk-out na nga siya. Syempre, hinabol ko siya. Sobra na ata kung wala pa rin akong gagawin. Kung pinrotektahan ako dati ni Chelsea, ako na naman ngayon.

Naabutan ko naman siya sa may labas na ng resto. Napansin kong nagpupunas siya ng luha niya.

“CHELS!”, tawag ko dito.

Hindi naman siya tumingin sakin.

“Bumalik ka na dun, Theo. She’ll break down there, dun ka na.”, pagtataboy naman niya.

“No. I’ll tell her the truth.”

Nakuha ko naman ang atensyon niya sa nasabi ko at tinignan niya nga ako na parang nawawala na ko sa tamang katinuan.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now