CHAPTER 6

4.2K 80 5
                                    

Ito na ang huling araw ko sa apartment namin. Nagpaalam na rin ako sa pinagtratrabahuhan ko at sabi nilang lahat ay mamimiss daw nila ako. Nako, if I know, mamimiss lang nila yung mga dumadalaw sakin. Lalong lalo na si manager na nalulungkot ng sobra sobra dahil hindi na daw niya makikita si TOP.

Tapos na rin ako mag-impake at syempre, nagbaon ako ng sandamakmak na mga damit ko. Since mga Carthaginians na ang magseset ng rules for the whole school year (dahil sa pagkapanalo namin sa Battle of the Flag laban sa Romans), alam ko na tatanggalin na ang uniform for girls. Medyo hindi naman ako natuwa masyado kasi konti lang naman ang mga nasa cabinet ko, pero etong si Clarence ay nangakong bibigyan niya ko FOR FREE ng supply ng mga damit. Syempre, tinanggap ko! WAHHHH~~~

At, ito na ang last ‘date’ namin ni TOP. Ito na rin ang huling pagkakataon na pwede kong sabihin sa kanya na meron na kong escort sa Acquaintance Party bukas ng gabi. Whew.

Susunduin niya daw ako sa bahay kaya eto ako, nakahanda na ng 30 minutes earlier para hindi naman siya maghimutok sa galit.

*TOK TOK*

Nako, andyan na nga!

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto.

“Bakit ba ang aga aga mo ko ginising? San tayo pupunta? Eh wala pang bukas na mall no!”, pagrereklamo ko agad.

May nilabas naman si TOP na dalawang parang tickets.

“Free passes.”, ngiti nito.

O___O

“WAHHHHH~!!!!! SHOWTIME?! PUPUNTA TAYO DUN?! AS IN NOW NA?!!!”, pagsisigaw ko.

“Oo. Kaya dalian mo, mahaba pa ang byahe natin baka matraffic tayo.”

OMG DI KO TALAGA INEEXPECT TO. Akala ko kasi, sa mall lang kami gagala gaya ng lagi naming ginagawa. WAHHHHH!!! Tinotoo niya talaga yung wish ko n asana maging audience ako sa Showtime. Gustong gusto ko kaya makapunta dun! SANA PRESENT LAHAT SILA, LALO NA SI VICE!! KYAAA~~

Siguro mga isang oras bago kami nakarating sa studio ng Showtime. Ni hindi na nga namin kailangan pumila eh. Pinakita lang ni TOP yung free passes namin, pinapasok na agad kami sa studio. Kami pa nga lang yung tao eh.

GRABEEEE. DI AKO MAKAPANIWALANG ANDITO NA KO SA SHOWTIME STUDIO!!! WAHHHHH!!!

“Uy. Bakit tayo pinapasok agad?”, pagsisiko ko sa kanya.

“Syempre. They know me.”

Psh. YABANG!

Nagulat naman ako ng may biglang lumapit na parang babaeng staff. Naka-ID kase tas may parang malaking headphone sa ulo niya.

“It’s our pleasure to meet you, Mr. Ramisses.”, paghahandshake niya kay TOP.

Tumungo lang naman siya.

“We hope you can enjoy the show. Sige po!”

“Wait!”, tawag ni TOP.

Bumalik naman yung babae.

“Please make sure we won’t be interacting with your hosts later on in the program. Ayokong sumali sa mga ganyan.”

“Ahhh, we understand. Sasabihan ko na lang po sila, wag kayo mag-alala.”

WHAT?!

SAYANG! Kumukuha pa naman sila sa SINE MO TO ng pwedeng umarte! UGGGHHH KJ TALAGA NITO, may pera kaya yun! Tas pwede pang manalo ng cellphone! Libre!!!

“Aysh. Korni mo!”, sabi ko na lang sa kanya.

“Alam ko yang iniisip mo kaya inunahan na kita. Pilit na pilit na nga tong pagsama sayo dito eh. Pasalamat ka at pumayag ako.”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon