CHAPTER 9

3.8K 72 9
                                    

“Well, well, well. Look who’s back!”

Sa pagkaswerte-swerte ko nga naman, naabutan ko si Joanna habang pabalik ako ng table namin ni Clyde. Kumuha kasi ako ng dessert namin, sakto, pipila pa lang si Joanna sa buffet table.

“Hi Joanna.”, napakaexcited kong bati sa kanya.

“Don’t HI, HI, HI me. Alis nga. Nakaharang ka sa daan ko.”

Tss. Echoserang frog pa rin talaga tong baklitang to.

“Ang laki laki naman ng venue, dito ka pa dadaan. Ikaw ang tumabi.”, sagot ko dito.

“HAHA! Ang tapang mo na ngayon ha? BAKIT? Porket nililigawan ka lang ni TOP?!”

Medyo wala na nga ko sa mood, dadagdag pa to. TSK.

“Ikaw ang nag-aassume niyan.”

“Ay wait. Mukang tumigil na ata siya, partner niya si Sabrina eh. AWW! Kawawa ka naman, pinagsawaan ka na ba???”, pang-aasar nito.

NAKAKAPANG-GIGIL NA TALAGA. Pinipisil ko na yung damit ko sa sobrang inis. Bad vibes na nga ako ngayon tapos binaggit pa niya yung Sabrina na yun. Anak ng tinapa.

“Umalis ka dyan kung ayaw mong ako ang magpaalis sayo.”, sabi ko na lang.

Tumawa na naman siya. AY SIRA TALAGA.

Lumapit naman siya sakin at halos gusto ko siyang sampalin.

“HOY. Wag kang magreyna-reynahan dito. Dahil HINDI NA LANG IKAW ANG NAG-IISANG BABAE DITO. Madami ng choice si TOP. Gising gising din, Athena.”, pagngingisi nito.

Sakto, dumaan yung waiter na may hawak ng tray ng mga drinks. Kinuha ko yung baso ng tubig at ibubuhos ko sana yun sa muka niya. Pero nagulat na lang ako ng biglang may pumigil sakin.

“Clavelle. Stop.”

O__O

Si Josh. Kinuha niya sakin yung baso at para namang nakakita ng multo si Joanna. Natakot yata na baka masira ang pangit niyang muka sa gagawin ko.

“Joanna, please. Wag naman dito.”, saway ni Josh.

“What?! Kita mo namang siya nga ang magbubuhos sakin ng tubig eh! Napakalow-class ng ugali!!!”

“JOANNA!”, pagmamata sa kanya ni Josh.

Napatigil naman ang baklita. Gusto ko na sanag magwalk-out pero pinigilan ako ni Josh.

“Sorry, Clavelle. Pero sana naman, hindi na maulit to. You two should make up.”, sabi nito sakin.

“Pasensya ka na Josh. Pero hanggang hindi tumitino yang si Joanna, hindi ko ata magagawa yan. Excuse me.”

Umalis na nga ako sa harap nila at bumalik na lang ako sa table namin ni Clyde. Buti na nga lang hindi yung dessert namin ang naisip kong ibuhos sa muka nung baklitang yun eh. Nakakapangsira ng ulo ang presensya niya. ARGH.

“Hey. Okay ka lang??”, tanong agad ni Clyde.

Napahinga na lang ako ng malalim.

“Wala to.”, sabi ko na lang.

“Look, relax. Baka isipin ng new recruits, maldita ka. Ngumiti ka kaya.”

Hay. Tama siya. CHILL, ATHENA. Ang ganda ng ayos sayo ngayon ni Clarence kaya dapat presentable ka. Whew. INHALE, EXHALE. Kalma.

After nung dinner, nagkaroon ng speech yung principal. Syempre wala naman atang nakinig. Ako, di ko naman maiwasan na tumingin-tingin sa table nina TOP. As usual, parang robot lang si TOP dun na parang walang pakialam sa mundo samantalang si Sabrina ay nakahawak pa rin sa braso nito.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now