CHAPTER 40

3K 68 12
                                    

*** A/N: CLYTHENA shippers, ready your hearts. :)

----------------------------------------

TOP’s Point of View

Bwisit.

Nakakainis.

Nakakapang-nginig ng lamang loob.

“TSK. MAHAL?! MAHAL NA AGAD?!!! ARGGHHHH!!!!”

Sinipa sipa ko nga yung lata na nakakalat lang sa kalye. Nagpasya kasi akong umalis na lang. Tutal, mukang walang balak si Clyde na isabay ako eh makalayas na lang. Sigurado naman akong sagabal lang ako sa pag-uusap nila ni Athena.

Nakakainis talaga. Iniisip ko pa lang na aamin yung Clyde na yun, gusto ko ng magpasagasa na lang. Malambot yang si Athena. Basta pag mabait, akala mo kung sinong anghel ang makaasta. Tsk. PANO PA KAYA PAG SINABI NI CLYDE NA MAHAL NIYA SI ATHENA?!

…….

….

Tanga mo kasi TOP.

Thank you, konsensya. Nakakagaan ka ng loob.

Bat ba kasi ako naglakad pa?! Ang dami ko tuloy naiisip!

Alam mo ba kung bakit ako nagagalit sayo?! Hindi dahil sa iniwan mo siya. Dapat nga maging masaya ako diba? KASI WALA KA NA. Pero hindi. Mas masakit ng nakikita ko kung pano mo binalewala ang babaeng kinaiingat-ingatan ko.

“Stupid. Stupid. Stupid.”

Nakakainis. Nakakainis kasi tama si Clyde. Nakakainis kasi wala akong masagot sa kanya. Tama siya, sinaktan ko si Athena. Kahit ano pa ngang dahilan ang binigay ko, alam kong hindi sapat yun para manakit ng ibang tao.

Alam ko. Oo. Ang problema lang, hindi ko kayang tanggapin na lahat sila ngayon, mas karapat-dapat na kay Athena. At ako? Wala. Sabi nga ni Clyde, mas masahol pa ko kay Kian.

Bull.

Shit.

Buti na lang, tumunog yung phone ko.

“Hello??”

“Theodore.”

O_O

“L-Lolo..?”

“I need you in my office. 5 pm, sharp.”

Tatanungin ko pa sana kung bakit pero binaba na agad ni lolo yung telepono niya. Si LOLO? Bat naman ako tatawagan nun??? Hindi ba…galit siya sakin???

Hindi na naman ako nagdalawang-isip pang kumilos na nga. Kahit na mamaya pa yung oras na binigay niya, mas mabuti ng maaga. Lolo likes punctual people. Kung siya mismo ang tumawag sakin, meron siyang mahalagang sasabihin, ibig sabihin.

Siguro mamaya ko na lang kakamustahin si Athena. Kailangan ko pa ding malaman kung anong sasabihin sa kanya ni Clyde. Tsk.

-------- End of TOP’s Point of View ----------

WAAAHHHHH ANG GANDA NG SHE’S THE ONE. T^T

Natouch ako grabe. Tapos, tapos…ang ganda pa ng chemistry nina Dingdong at Bea! Kilig! Medyo parang awkward nga lang ako kay Enrique, bata pa kasi masyado. Anyway, maganda naman yung movie! NAG-ENJOY AKO!

Nang nakalabas naman ako, hinanap ko agad sina Clyde at TOP. Asan na ba yung mga yun? Eh wala naman akong cellphone o kung ano na dala.

“Pst, Athena.”

Lumingon naman ako at alam kong si Clyde nga yun. Napansin ko namang wala si TOP. Asan na yun? May nangyari kaya sa kanila??

“Si TOP ba hinahanap mo?”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now