CHAPTER 11

3.8K 66 7
                                    

…….

….

“Alam mo, Athena. Bumalik ka na lang sa building niyo. Baliw ka na eh.”, sabi ng napaka-supportive kong friend. Tsk.

Kung di ata ako kinausap ni Brent, baka kanina pa ko nakatulala habang yakap ko lang ang giant Rilakkuma bear ko.

“Alam mo, Brent. Ikaw kaya ang pumikit kasi akala mo hahalikan ka tapos joke lang pala. Sinong hindi mababaliw sa hiya?”

T^T

Kahit na nasabunutan ko na si TOP kanina, hindi pa rin talaga sapat yun. Para akong binatukan sa ulo at bumagsak sa bundok ng tae. Oo, ganun kagrabe ang nararamdaman ko ngayon. Nakakahiya at NAKAKAWALANG DIGNIDAD.

“EH SINO BA KASI ANG NAGSABI NA PUMIKIT KA?! Assumera ka kasi.”, sagot naman niya.

Tinitigan ko naman siya ng masama.

Dahil alam na niya ang maari kong gawin sa kanya, inagaw niya sakin si Rilakkuma bear na bigay sakin ni TOP kanina. Pinantakip niya sa muka niyang akala niya ay mayuyurak ko na ilang sandali lang.

“OY AKIN NA NGA YANG SI RILAKKUMA TOP KO!! BAKA MADUMIHAN YAN EH!!!!”, pag-aagaw ko dito ulit.

UHM….. O__O

Ngumiti naman siya sakin na parang may nahuli siyang impormasyon na mahalaga. Seryoso? Ito ba ang Brent na namimiss ko? OKAY. I TAKE IT BACK.

“Ano? Rilakkuma TOP MO??”, pagpipigil nito ng mga tawa niya.

O___O

“AHH EHH Ano….yung TOP KO kako! AY HINDE! YUNG TOP NA BIGAY SAKIN NI RILA---AH MALI MALI! YUNG RILAKUMMA NA BIGAY SAKIN NI TOP!”, sabi ko na lang.

-_______-

WAHHHH!!!! ANYARE SA UTAK KO?!

“HA?! HAHAHAHAHA!!! HULING HULI KA NA ATHENA!!!”, pagtatawa ni Brent habang napahiga na sa ka-OA-yan ng ginagawa niya. Tsk.

( _ _ ##)

Pakiremind naman ako na lilitsunin ko tong panda na to mamaya.

“TOP KO?! HAHAHAHA!!! SHT ATHENA ANG CHEESY MUCH!!!”, dagdag pa niya.

Hindi ako nakapagpigil. Dali dali kong tinabi muna si Rilakkuma TOP at sinunggaban ko na nga ang buhok nitong si Brent. Niyugyog ko yun na para bang gusto kong tanggalin yung utak niya palabas ng tenga niya. OO HARDCORE PAGSASABUNOT NA ITO.

“ARAY ATHENA!!! AYOKO NA!!! OYYY!!! MASAKEETTTT!!!!”

“Hindi ka kase nakakatulong alam mo ba yun?!”

Sinubukan kong kumalma para sa natitira ko pang pasensya sa taong to. Kaya ako pumunta dito ay para magrelax. Hindi ko naman sukat akalain na hanggang dito, hahantingin ako ng TOP CHEESY THOUGHTS ko. ARGH.

Hinawakan naman ni Brent yung ulo niya na parang maiiyak na. Hindi ako naawa sa kanya kaya walang epekto sakin yan.

“Ano bang pinoproblema mo ha? Na napahiya ka?! SUS. May kanya-kanya tayong embarrassing moments, kaya move on ka na!”, panenermon na ni Father Brent.

T____T

Ang totoo nyan, medyo nakekeri ko na ang nangyaring kahihiyan. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko maalis sa isip ko ang lintik na halimaw na yun.

“Ehh….si TOP kasi eh!”, pagdadabog ko habang nakaupo sa sahig.

“OH ANO NAMAN KAY TOP? Eh sira na talaga ang tuktok nun noon pa. Hindi ka pa ba sanay???”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now