CHAPTER 36

2.9K 64 0
                                    

TOP’s Point of View

Maaga akong umalis ng bahay gaya ng gusto ni mama. Athena’s still sleeping kaya ako na ang naghanda ng breakfast niya. Although I can’t sleep dala ng pag-iisip ko sa nangyari kagabi, alam kong mas malaki namang problema ang madadatnan ko ngayon.

Nakarating ako sa bahay ng mga Ramisses with our house staff looking at me na para bang alien ako. Hinayaan ko na lang, knowing na kalat na ang balitang pinalayas ako ni lolo. Sinubukan ko na lang maglakas-loob na pumasok hanggang sa veranda, kung san andun si mama, nagkakape.

I tried kissing mama on her cheek pero nilayo niya yung muka niya sakin. Umupo na lang muna akong nakayuko.

“I can’t believe you‘ve put our family in vain again, Theodore. I am very disappointed.”, sabi nito na alam ko naman na tinatago lang niya ang galit sakin.

Di ako sumagot. Alam ko namang sasabihin niya yan.

“At ngayon ako ang pinagdidiskitahan ng Susan na yan! Talagang hindi siya titigil! Ano pa ba ang gusto niya, tagapagmana na ang anak niya?!”

Di ko naman matago ang pag-aalala kay mama. Ngayong mag-isa na lang siya sa bahay, wala na siyang ibang kakapitan kung hindi si lolo. Si lolo pa na laging busy at puro business ang inatupag.

“Ma, bakit? Anong sinasabi niya sayo???”, di ko mapigilang itanong.

Umiling-iling naman si mama.

“She’s bashing you of course. Sinasabi niyang pakana ko daw ito para pabalikin ka sa posisyon ng pagiging tagapagmana. If she says any more vulgar words towards you, masasaktan ko na talaga siya eh!”, pagpipigil nitong si mama.

“Ma, hayaan niyo na lang please.”

Sumama naman ang tingin skain nitong si mama. Oo, alam ko naman, kasalanan ko to. Tsk. Pero kung hindi ko ididiin si Josh, hindi magiging fair kay Athena. Wala siyang kasalanan. Si Josh dapat ang managot.

“Ma, I’m sorry…I had to do it. I had to do it for Athena…”

Binaba naman niya yung dyaryong binabasa niya na may halong pagdadabog.

“Athena na naman?! Can’t you see what she did to you?? Lalo ka lang niyang pinahamak!”

“MA. Please. Ginusto ko to. I had to save her. She deserves the truth.”

“Truth? O eh diba yan din ang nagpahamak sayo? Hindi lang tungkol sa kaso niya pati na rin sa pagtatakip mo dyan sa ate mo!”

“MA! We’ve been through this! It won’t be fair for Chelsea kung ang alam niyong lahat, siya ang may kasalanan! Well all the while, ako yun!”

“Walang fairness sa mundo, Theodore. It’s all about having a good name, a good reputation. San ba nakarating ang pag-amin mo? Hindi ba pareho na kayo ngayon ni Chelsea na nawala sakin???”

Mama tried hard not to cry. Pero alam kong hindi niya mapigilan kaya she tried covering up her face. I never saw her break down like this. Lagi siyang naka-business mode o kaya naman isang strict mom. Never siyang umiyak sa harap ko. Miski nung nambabae pa si papa o…nung namatay siya.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now