CHAPTER 4

4.3K 89 6
                                    

 *** My dear ex-Silent Reader, KichiShimizudani, as promised I will dedicate this chappie to you! Though sorry kung natagalan at hindi na sa Volume 1. T^T

---------------------

**** TOP’s Point of View ****

Kanina pa kami nakaalis sa Mcdo pero parang napansin ko na tahimik pa rin si Athena. We’re actually on our way to WAR, dahil nga sa may pinapakuhang documents si mama sa office nito doon.

I tried talking to her pero sa tuwing kukulitin ko siya, parang lagi siyang may iniisip na malalim at ayaw niyang paistorbo.

I got too impatient na pinatay ko yung fm radio at tinigil muna yung kotse sa may tabi.

Tumingin ako sa kanya. Wala man lang reaction. Kita mo to.

“Athena.”, tawag ko dito.

Di siya lumingon.

“Hey. May sinabi ba sayo si mama?? Bakit parang kanina ka pa dyang tulala???”

I finally caught her attention at tumingin lang siya sakin na parang hindi niya ko kilala. Seriously? Anong meron sa babae na to?

“Huy!!!”, pagpitik ko sa noo niya.

“ARAY!”

“Finally, a response from you!”

Nagkamot lang siya ng ulo nito at bumalik na naman siya sa pag-iisip ng kung ano-ano.

“HEY! Ano ba?? Wala ka bang balak sabihin yang iniisip mo?!”, pagdedemand ko sa kanya.

“Ahhh…ehh……pwede bang magtanong?”

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ano na naman to?

“Kapag ba….uhm, kung lang naman. Kung…sasagutin nga kita…”

“Tsk, say it directly. Ano ba kasi yun?!”

“Kapag ba sasagutin kita….papakasalan mo na ko?”

O___O

“Huy!”, pagwe-wave niya ng kamay niya sa muka ko.

“Wait. ANO?!”

Parang nahahawa na ata ako kay Athena. What she said didn’t even make sense at all. Di ko siya maintindihan.

“Eh kasi…sabi ng mama mo para daw maging mabango ang reputasyon mo sa mga relatives niyo at sa iba, mas mabuti daw na matigil yung mga chismis tungkol saten. Ehhh…sabi niya, kailangan ko daw maging fiancé mo….”, paglalaro nito ng mga daliri niya.

“FIANCE?!”

“Ano ka ba! Nagugulat din ako no! Kita mo ng kanina pa nga ko hindi mapalagay dito! Ayoko pang mag-asawa no! BATA PA KO!!!”, desperadang pagrereklamo nito.

“Look. Being a fiancé is different from being my WIFE. Engagement pa lang yun, hindi kasal! Ano bang pinagsasabi mo dyan.”

Para namang luluwa yung mga mata niya sa sinabi ko. Tapos, bigla bigla na lang niya ko pinagpapalo sa ulo at sa dibdib ko.

“ARAY!! ATHENA ANO BA!!!”

“PINLANO MO TO NO?! PARA MAPASAGOT MO KO, PATI NANAY MO DINADAMAY MO!! AYSH!”

“ARAY KO! ANO BAAA!! TIGILAN MO NGA YAN!!!!”, pilit kong magtatakip sa muka ko.

“ANG KAPAL TALAGA NG MUKA MO!!! DIBA SABI KO NAMAN SAYO MAGHINTAY KA?! BAKIT BA ATAT NA ATAT KANG PASAGUTIN AKO!!! AYSHHHH!!!”

I tried stopping her by pinning her down on her seat. Hawak hawak ko yung dalawang brutal na mga kamay niya pero umuusok pa rin yung ilong niya sa galit.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryOn viuen les histories. Descobreix ara